'Futbol,' dokumentaryo ni Kara David ngayong Sabado sa I-Witness
“FUTBOL”
Dokumentaryo ni Kara David
June 3, 2017
_2017_06_02_14_47_19_1.jpg)
Mula sa bayan ng Porac, Pampanga – isang football team ang pilit na nakikipagsabayan sa mas mahuhusay na koponan. At kahit madalas na dehado - patuloy pa rin silang lumalaban.
Kabilang sa Porac FC ang ilang mga kabataang Aeta – gaya ng kinse anyos na si Bimiana Capuno. Para sa kanila, bago lang ang larong football kaya kulang pa sila sa kaalaman tungkol dito, pati na sa maayos na kagamitan. Nakayapak nga sila kung mag-ensayo. Maski ang Amerikanong si Roger na siyang tumatayong coach ng grupo - hindi naman daw talaga bihasa sa isport na ito. Katunayan, isa siyang Bible translator para sa mga katutubong Aeta. Naisipan lang niya bumuo ng football team kung saan bentahe nina Bimiana ang kanilang angking liksi.

Makasungit kaya ng panalo ang Porac FC sa sasalihan nilang tournament? Dito, makakaharap nila ang iba't-ibang koponan sa Pilipinas na may mas bihasang mga manlalaro. Ang iba pa nga sa kanilang makakalaban, may mga miyembrong kabilang sa national team. Sa kanilang pagka-dehado, mangibabaw kaya ang puso at determinasyon nilang manalo?
Panuorin ang dokumentaryo ni Kara David na “Futbol” ngayong Sabado sa I-Witness, pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA 7.