'Napag-iwanan,' dokumentaryo ni Kara David ngayong Sabado sa I-Witness
“NAPAG-IWANAN”
Dokumentaryo ni Kara David
June 2, 2018

In a remote village that sits on the mountains of Capas, Tarlac, it remains a mystery why Aetas here have a high number of goiter cases.
Among the residents of Barangay Maruglu – forty year old Labinette has the biggest mass in her neck. She and others believe that it is a curse brought about by pregnancy. While some say that Labinette inherited it from her mother who also has the same condition.
Goiter has affected not only the women but also the men in their community. Sixty-five-year old Duque believes that the big lump in his neck was a result of eating chicken tail.
Join Kara David as she travels to Barangay Maruglu to find out the reason for the community’s high incidence of goiter. Watch “NAPAG-IWANAN” this Saturday on I-Witness, after Celebrity Bluff on GMA 7.
Filipino
Sa isang liblib na barangay sa kabundukan ng Capas, Tarlac – nananatiling misteryo ang mataas na bilang ng mga may goiter sa tribo ng mga katutubong Aeta na naninirahan dito.
Ang may pinaka malaking bukol sa mga taga-Barangay Maruglu, ang kuwarenta anyos na si Labinette. Paniniwala niya, sumpa raw ito na dulot ng panganganak. May mga nagsasabing namamana rin ito dahil mismong ang ina ni Labinette na si Rosing, mayroon din bukol sa leeg.
Maski ang mga lalaking Aeta sa kanilang tribo, hindi rin ligtas sa pagkakaroon ng goiter gaya ng animnapu't limang taong gulang na si Duque. Ayon naman sa nakalakihan niyang paniniwala, kapag daw kumain ng tumbong ng manok, magkakaroon nito.
Sa dami ng kanilang mga paniniwala - ano nga ba ang tunay na dahilan ng mataas na bilang ng goiter sa Barangay Maruglu? May kinalaman kaya ito sa madalas nilang kinakain? At bakit hindi sila naaabot ng tulong medikal? Samahan si Kara David na maglakbay ng dalawang oras sakay ng habal-habal at umakyat ng karagdagang dalawang oras pa – marating lang ang Barangay Maruglu.
Panuorin ang dokumentaryo niyang “NAPAG-IWANAN” ngayong Sabado sa I-Witness, pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA 7.