ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Ang Islang Walang Lupa,' dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa I-Witness


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“Ang Islang Walang Lupa”

Dokumentaryo ni Howie Severino

November 24, 2018

Ilang oras mula sa Maynila, binisita ni Howie Severino ang isang sitio na tila nilamon na ng tubig.  Ang mga abandonadong bahay, eskuwelahan at simbahan ng Sitio Pariahan sa Bulacan, makikitang nakausli sa malawakang tubig baha.  Dati, ang Pariahan ang pinaka sentro ng Barangay Taliptip sa Bulakan, ngunit ngayon lubog na ito sa tubig. Ano kaya ang nangyari sa lupa ng Sitio Pariahan?  Hahanapin ni Howie Severino at ng kaniyang documentary team ang mga kasagutan.  Sa kanilang pagdating sa sitio, tatambad sa kanila ang mga patay na bakawan, at mga labi ng mga dating tirahan ng daan-daang residente roon.  Ngunit sa gitna ng tubig, matutuklasan din nila na hindi lahat lumisan mula roon.  May ilan pang natitirang residente sa sitio na walang ibang malipatan.

Lahat may kani-kaniyang haka-haka sa kung anung nangyari sa kanilang lupa, at kung bakit hindi na ito bumalik pa. Sa isang banda, nawalan man sila ng lupa, nanatili naman ang kanilang kabuhayan na dala ng dagat.  Ngunit ngayon, may isa nanamang banta sa kanilang tirahan at kabuhayan: ang plano para sa isang malaking airport o ang Bulacan Aerotropolis.  Isa itong malawakang proyekto na sakop ang sitio na magdadala muli ng lupa sa kanilang lugar. 

Ang nangyari sa islang walang lupa ay isang babala sa iba pang mga sitio at barangay na nasa baybayin.  Ang madalas na tinuturong dahilan ng pagkakalubog ng lupa ay ang mga bagyo at kalamidad.  Ngunit ang totoong dahilan, ay isang puwersa na kayang solusyunan ng mga komunidad sa bansa, basta’t may tamang kaalaman.

English version

Not far from Manila is a community where the land has vanished. The ruins of Sitio Pariahan in Bulacan jut out from a permanent flood, the wretched testament to a once thriving village. Alerted by haunting images they see online, Howie Severino and his documentary team journey to this water world to investigate what happened. They find dead mangroves, gutted school buildings, and crumbling shanties. But they also find a smattering of survivors of a great deluge, residents living on water who have nowhere else to go, nervously awaiting the next catastrophe.

Everyone has a different explanation for how the village lost its land and never regained it. Deeply puzzled, the documentarists pursue the various angles until they find a plausible reason for the incursion of the sea and the end of a way of life. In a curious way, residents say the sea has liberated them. Yet looming over everyone is a giant airport project that promises to restore the land but at an uncertain environmental and social cost.

The story of the island without land is a precautionary tale of what is happening to coastal villages throughout the Philippines. Many cite factors that can't be controlled. But the real cause may spell solutions within grasp of local communities everywhere.

Join Howie Severino as he travels to the submerged island of Sitio Pariahan this Saturday on I-Witness after Kapuso Movie Night.

Tags: iwitness, howie