ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Break the Silence,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“Break the Silence”

Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo

Pebrero 16, 2019

Ang karapatang pantao ang sandata ng isang indibidwal laban sa diskriminasyon at hindi pantay na hustisya sa ating lipunan.

Pero paano nga ba maipagtatanggol ng isang tao ang kanyang sarili kung wala siyang boses para ipagsigawan ang kanyang karapatan? Paano niya masasabi na siya ay biktima ng pang-aabuso?

Para kina “Mia”, 19 na taong gulang, at Janice, 22 taong gulang, mga biktima ng pananamantala, naniniwala sila na sila’y inabuso dahil sa kanilang pagiging deaf.

Sa kasamaang palad, mukhang Malabo pa ang hustisya para sa kanila.

Sa tulong ng PADS o Philippine Accessible Disability Services, Inc., isang organisasyon sa Cebu, mabibigyang boses ang kababaihan tulad nina Mia at Janice. Nakapagsampa sila ng reklamo laban sa mga namantala sa kanila.

Ngayong Pebrero 16, Sabado, samahan si Sandra Aguinaldo sa kanyang dokumentaryong magbibigay boses sa mga walang boses, at saksihan ang sakripisyo at hirap ng mga taong ito upang makamit ang katarungan. Ang I-Witness ay mapapanood sa Sabado sa GMA 7, pagkatapos ng Kapuso Movie Night.

English version:

Exercising human rights is essential to gain freedom from discrimination and to live with justice.

But what shall a person do if he/she cannot hear let alone speak to fight for his/her rights?

What shall a person do if he/she cannot voice out that he/she has been abused?

For 19-year-old “Mia”, a rape victim,  and for 22-year-old Janice, a victim of molestation, both believe that being deaf makes them vulnerable and susceptible to sexual predators.

Sadly, the road to justice is bleak.

Through PADS or Philippine Accessible Disability Services, Inc., a non-government organization in Cebu --- each victim finds his/her voice.   They are able to file cases against the perpetrators.

This February 16, Saturday, Sandra Aguinaldo and her documentary team help the voiceless be heard as they fight for justice. I-Witness airs this Saturday, Feb. 16, on GMA 7, after Kapuso Movie Night.