'Liwanag sa Datal Bukay,' dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“LIWANAG SA DATAL BUKAY”
_2019_03_08_14_52_01.jpg)
Dokumentaryo ni Atom Araullo
March 9, 2019
Parte na ng ating buhay ang kuryente at ilaw sa pang-araw-araw na gawain, at isang katotohanan na mahirap mabuhay nang wala ang mga ito.
Pero para sa mga residente ng Datal Bukay sa Sarangani, ang itinuturing nating normal na pangangailangan ay kanila palang matagal nang pangarap na inaasam-asam.
At ang barangay na ito ang napiling mabibiyayaan na pailawan sa ilalim ng programa ng isang ahensya ng ating pamahalaan. Wala nang iba pang mas sasaya pa kina Werna, 21 taong gulang na matagal nang pinapangarap na magkaroon ng sariling refrigerator; Clydden, 13 taong gulang, at Lola Carmen, 68 taong gulang na naghihintay na mas maliwanagan pa ang kanilang tahanan.
Gasera lamang ang kasangga ni Clydden sa lahat ng kanyang mga takdang aralin sa paaralan, habang si Lola Carmen naman, ito lang din ang nagsisilbing gabay sa kanyang paghahabi ng banig na inaabot hanggang sa paglubog ng araw.
Kamakailan lamang ngayong taon, tinayuan ng mga poste at nilagyan ng kable ang lugar para sa mga residente ng Datal Bukay. At kaakibat ng mga mababatong daan papunta sa barangay ay mga naglalakihang mga poste at kable na ito.
Samahan si Atom Araullo na saksihan ang pagsindi ng unang Liwanag sa Datal Bukay.
Mapapanood ang “LIWANAG SA DATAL BUKAY” ngayong Sabado ng gabi sa I-Witness, pagkatapos ng Kapuso Movie Night.
English version
For most of us, living with electricity has become indispensable. We cannot imagine going on our lives without light and electric appliances that make lives easier.
But in Datal Bukay, in Sarangani where residents do not have access to electricity, you will see children playing outside, adults exchanging stories with neighbors, students studying with only the flickering light from the gas lamp. Residents here live in the dark. But not for long.
Somehow, this remote barangay has become a recipient of government's electrification program. None can be more ecstatic than these three: 21 year old Werna, who dreams of owning a refrigerator; 13 year old Clydden, and 68 year old Lola Carmen, who long for a brighter luminance. Clydden lights a gas lamp every night to study while Lola Carmen uses a battery operated pilot light bulb to illuminate her mat weaving.
This first quarter of 2019, an electric cooperative has put up posts and installed cables in Datal Bukay. The rough roads are now lined with electric posts and cables.
Atom Araullo documents this momentous event as light finally shines in Datal Bukay.
“LIWANAG SA DATAL BUKAY” airs this Saturday, March 9, on I-Witness, GMA 7.