ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Kawag-kawag,' dokumentaryo ni Mariz Umali, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“KAWAG-KAWAG”

Dokumentaryo ni Mariz Umali

June 1, 2019

In Navotas, the lives of most residents are bound by the sea.

Every day at 5 am, thirteen-year-old Reymark sails on a makeshift raft called “kawag-kawag”.  The raft, made from sheets of styrofoam, is unsafe especially on rough seas.  Reymark almost lost his life once when his kawag-kawag capsized.

Using small pieces of plywood, Reymark paddles a distance of more than a kilometer towards big fishing vessels they call “pangulong.” He helps clean and pull fish nets for an average of four hours.  As payment, Reymark gets to collect leftover fish that got stuck in fishing nets. But he only gets to bring home half while the other half, he gives to the “kawag-kawag” owner.

The hard work Reymark endures every day is all for her lola Remedios. His parents left him right after he was born.  Since then, it was Reymark’s grandmother who looked after him.  To repay his lola's love, Reymark works to provide for their daily needs.

A story of a boy's immeasurable love for her lola, watch Mariz Umali's documentary “Kawag-Kawag” this Saturday, June 1, on GMA-7.

Filipino version

Kadikit na ng dagat ang buhay ng maraming residente sa Navotas.

Ang trese anyos nga na si Reymark – alas singko pa lang nang madaling araw, pumapalaot na. Dahil walang sariling bangka, “kawag-kawag” ang kanyang sinasakyan o yung gawa-gawang balsa na yari lang sa pinagtagpi-tagping styrofoam. Dahil walang anumang harang – minsan nang naranasan ni Reymark na tumaob at muntik nang malunod.

Gamit naman ang kapirasong plywood - mahigit isang kilometrong nagsasagwan si Reymark papunta sa mga pangulong o yung malalaking bangkang pangisda. Dito, tumutulong si Reymark sa paghila at pag-aayos ng lambat. Bilang kabayaran sa apat na oras niyang pagsampa sa pangulong, naiuuwi ni Reymark ang maliliit na isdang sumasabit sa lambat. Pero ang kalahati nito, kailangan pa niyang ibayad sa may-ari ng kawag-kawag na kanyang hinihiram.

Ang araw-araw na pagtitiyaga ni Reymark - para sa kanyang lola Remedios na siyang nagpalaki sa bata. Pagkapanganak pa lang kasi, iniwan na si Reymark ng kanyang mga magulang. Kaya para masuklian ang pag-aaruga ng matanda, kumakayod si Reymark para sa pang-araw-araw nilang pangangailanan.

Isang kuwento ng natatanging pagmamahal ng apo sa kanyang lola. Panuorin ang dokumentaryo ni Mariz Umali na “Kawag-Kawag” ngayong Sabado, June 1 sa GMA 7.