Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Mga Pahina ng Kasaysayan,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“MGA PAHINA NG KASAYSAYAN”

Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo

Sept 21, 2019

They have been a repository of ancient books and documents for over 400 years.  Within the books’ pages lie hidden stories of national heroes, friars, workers and land owners.  They are the stories not only of great men but also of women.

They are the collective stories of the Filipino people.

This Saturday, the University of Santo Tomas heritage and archives library will open its doors to give unprecedented access to some of Philippine history’s most-kept secrets. It will give context to historical events and shed light on some issues we still face today as a nation.

Find out how well Jose Rizal did in school as we take a peek at his report cards preserved for almost 150 years. See a different side of the feisty General Antonio Luna as you read his letter to his former teacher, a friar, while he was in jail.  There are also restored and extremely rare ancient baybayin documents — a deed of sale of a parcel of land in progressive Tondo executed by woman.  There is also a copy of an original map from 1734 clearly indicating Scarborough Shoal and the Spratlys as part of Philippine territory— areas being claimed by China today.

Join Sandra Aguinaldo on a journey of discovery on I-Witness this Saturday, September 21, after Studio 7 on GMA.

Filipino version:

Sila ang naging tagapangalaga ng mga antigong libro at dokumento sa loob ng 400 taon.  Sa mga pahina napapaloob ang ilang natatagong kuwento ng mga bayani, pari, mangagawa at mga poong may lupa. Ito ang kuwento hindi lang ng mga dakilang lalaki, kundi babae.

Ito ang pinagsama-samang kuwento ng mga Pilipino.

Ngayong Sabado, sa isang pambihirang pagkakataon, ang University of Santo Tomas heritage and archives library ay magbubukas ng pinto para sa I-Witness. Sama-sama nating tuklasin ang ilang sikretong nakatago rito ng halos kalahating siglo.

Gusto mo bang makita ang grado ni Jose Rizal sa kanyang report card na halos 150 taon na ang tanda? O sulyapan ang naiibang pagkatao ng matapang na si General Antonio Luna sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanyang sulat sa dating paring guro sa UST na kanyang isinulat habang nakapiit? Makikita mo rin dito ang kopya ng orihinal at katangi-tanging dokumento na nakasulat sa baybayin na mag-iiba ng iyong pananaw sa Tondo at sa papel na ginagampanan ng kababaihan noon. Dito, makikita mo rin ang isang orihinal na kopya ng isang mapa mula 1734 na nagpapakita ng Scarborough Shoal at Spratlys bilang parte ng Pilipinas—mga islang inaangkin ng bansang Tsina hanggang ngayon.

Samahan si Sandra Aguinaldo sa isang espesyal na biyahe ng pagtuklas ng mga kuwento ng ating kasaysayan, pagkatapos ng Studio 7 sa GMA.