'Ang Palay at ang Mabait', dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'

"ANG PALAY AT ANG MABAIT"
I WITNESS KARA DAVID
AIRING DATE: JAN. 16, 2021
“Mabait” kung tawagin pero peste sa palayan kung ituring.
Taon-taon, sampu hanggang animnapung porsiyento ng mga palayan sa Pilipinas ang sinisira ng daga, partikular na sa bayan ng San Luis sa Pampanga. Kaya noong Oktubre, sinimulan nila ang isang programa kung saan ang kada buntot ng daga, binibili ng munisipyo ng limang Piso. Layunin nitong ma-engganyo ang mga magsasaka na maging “magdadaga” para mabawasan ang mga peste ng palayan. Pero epektibo nga ba ang programang ito, gayung ang isang pares ng daga --- kayang magparami ng hanggang limandaan sa loob lang ng sampung buwan?
Sa Nueva Ecija na siyang tinaguriang rice granary ng bansa, matinding pagkalugi rin
ang dulot ng mga daga. Pero imbis na paisa-isang huli, ang puntirya ng mga magsasaka ayon na rin sa pagsasaliksik ng Philippine Rice Research Institute, ang lungga ng mga daga. Mas malaki nga kaya ang tsansa na masugpo ang problema ng rat infestation, sa tulong ng mga naisip nilang pamamaraan?
Bagong pag-asa sana ang dala ng panibagong taon para sa mga magsasaka. Pero paano kung mula sa pagtatanim hanggang sa pag-ani, may pesteng sumasalakay sa kanilang pinaghirapan. Panuorin ang dokumentaryo ni Kara David na “Ang Palay at Ang Mabait” ngayong Sabado, January 16, sa GMA 7.