Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Bahay, Buhay', dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


I-WITNESS
“Bahay, Buhay”
Airing: August 6, 2022
Host: Sandra Aguinaldo

 

 

 

 

 

Paano kung ang nirerentahan mong bahay, bumabaha kahit hindi naman umuulan? O ‘di kaya’y kailangan ninyong mag-shifting sa pagtulog dahil masikip ang higaan?

Hindi man lahat ng bahay ay pang-flex sa social media, ito ang realidad para sa marami nating kababayan.  Sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA noong 2019, dalawang milyong pamilya  ang nangungupahan, habang 3.79 milyong pamilya naman ang nagmamay-ari ng bahay na pinahintulutang itayo sa lupang hindi nila pag-aari.

Sina Gloria, Ruselle at Edna, tatlong ina na nangungupahan sa buong buhay nila.

Si Gloria, lumulubog ang bahay tuwing high tide, kaya natutong lumusong at nasanay na gawin ang trabaho habang naglalakad sa maruming tubig. Sina Edna at Ruselle na walang palikuran, nakaisip ng paraan para mamuhay sa napakaliit na espasyo.

Ito ay ilan sa kuwento ng mga Pinoy na sa kabila ng kinasadlakang situwasyon, nakukuha pang ngumiti at maipagmalaki ang bahay anuman ang kondisyon nito. Kasabay nito, nangangarap pa rin silang balang araw, magkakaroon sila ng mas maayos na tirahan.

 


Kilalanin sila sa “Bahay, Buhay,” dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Sabado sa I-Witness, August 6, 2022, 10:30pm sa GMA.

ENGLISH

For some Filipinos, owning a house is like wishing for the moon.

In a 2019 data from the Philippine Statistics Authority or PSA, 2M families are renting, while 3.79M families occupy a house they own but with rent-free lot with consent of owner.

Gloria, Ruselle and Edna are three mothers who rent most of their lives. Gloria lives in a house submerged in water during high tide while Ruselle and Edna reside in shanties in the infamous locations in Manila.

 

This seems to be a bittersweet story- the homeless and the renters whose houses are considered eyesore.  Sandra Aguinaldo gets to know these people who, despite of their housing conditions, still take pride in the structures they call home.

 

Sandra Aguinaldo’s “BAHAY, BUHAY” airs this Saturday in I-Witness, August 6, 2022, 10:30pm on GMA. #