Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Sa Mata ni Joel', dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


I-WITNESS 23rd Anniversary Special
“Sa Mata ni Joel”
Host: Sandra Aguinaldo
Airing: November 26, 2022, 10:30pm



Paano kung madilim ang iyong mundo, at tila anino lang ang naaaninag mo?

Sa Dumaguete City, ganito ang sitwasyon ni Joel. Artipisyal ang kanyang kanang mata samantalang may glaucoma naman ang kaliwang mata. Upang hindi tuluyang mabulag, kinakailangan niya ng cornea transplant.

 

 

Matanda na si Tatay Joel pero ayaw niyang sayangin ang nalalabi nyang buhay sa mundo. Gusto raw niyang pagsilbihan nang maayos ang asawa at alagaan ang kapatid na bulag din.

 

 

Dahil walang perang pampaopera, nakahanap siya ng tutulong sa kanya sa katauhan ni Dr. Minguita Padilla ng Eye Bank Foundation. Kinikilala si Dr. Padilla sa larangan ng eye operation sa bansa.

 


Subalit dahil sa madalang ang cornea donation lalo na noong nagkaroon ng pandemya, natengga sa pila si Tatay Joel.

Marahil sa matinding pananalig, sa wakas ay nagkaroon ng cornea donor si Tatay Joel.

Manunumbalik kaya ang kanyang paningin?

Abangan sa pang-anibersaryong handog ni Sandra Aguinaldo na “Sa Mata ni Joel” ngayong Sabado sa I-Witness, November 26, 2022, 10:30pm sa GMA.

ENGLISH

Have you experienced living in darkness?

This is the case for Joel who lives in Dumaguete City. He has an artificial right eye while his left eye is inflicted with glaucoma. In order to save it, he needs a cornea transplant.

He is in his 70s, has a wife but no kids. He may be old but Tatay Joel wants to spend his remaining years by taking care of his wife and his blind sister.

Joel has no means for an operation so the only one that he can turn to is Dr. Minguita Padilla of Eye Bank Foundation. This topnotch eye doctor is willing to help Tatay Joel.

Since cornea can only be harvested from the dead, donations have trickled down considerably since the pandemic because cadavers are cremated immediately.

Finally, the relentless faith of Tatay Joel brings him to the operating table of Dr. Padilla.

Will he be able to see again?

“Sa Mata ni Joel,” Sandra Aguinaldo’s anniversary offering for I-Witness airs this Saturday, November 26, 10:30pm on GMA.#