Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Ulilang Sundalo," dokumentaryo ni Kara David sa I-Witness


 


Bagong pag-asa ang kadalasang hatid ng panibagong taon. Pero para sa mga asong nakilala ni Kara David anim na taon na ang nakararaan, makahanap na rin kaya sila ng bagong tahanan?

Taong 2017 nang gawin ni Kara ang dokumentaryong “Sundalong Aso.” Nakilala niya noon ang ilang mga Military Working Dog na dati’y kabilang sa K9 Batallion ng Philippine Army. Pero nang hindi na makapagsilbi dahil sa katandaan o kapansanan, dinala na lang ang mga Belgian Malinois na sina Chika, Bamboo, Lotto at Lupin sa Hound Haven – isang shelter na kumakalinga sa mga retiradong Military Working Dog hanggang sa may umampon sa kanila. 

Makalipas ang anim na taon, muling dumalaw si Kara sa Hound Haven. Ano na kaya ang sitwasyon ng mga aso na dati’y nagsilbi sa bayan pero tila hindi nasuklian ang kabayanihan? Si Lotto na putol ang isang paa, makahanap na kaya sa wakas ng aampon sa kanya?

Makikilala rin ni Kara ang Belgian Malinois na si Tootsie na dating nagsilbi bilang explosives detection K9. Pero nang minsang kagatin ang kanyang handler, hinasa umano ng mga sundalo ang ngipin nito at inalis sa serbisyo. Pero ngayon, natagpuan na ni Tootsie ang kanyang “forever home” sa piling ng mag-asawang umampon sa kanya.

Panuorin ang pinaka bagong dokumentaryo ni Kara David na “Ulilang Sundalo” ngayong Sabado January 7, 10:30 PM sa GMA  7.


ENGLISH VERSION

New year often brings new hope. And for the dogs that Kara David met six years ago, is this also the year that they finally find a new home?
 
It was in 2017 when Kara made the documentary "Sundalong Aso." Back then she met several Military Working Dogs who used to serve in the K9 Batallion of the Philippine Army. But because of age and disability, Chika, Bamboo, Lotto and Lupin - all of which are Belgian Malinois - were brought to Hound Haven, a shelter that looks after retired Military Working Dogs until somebody decides to adopt them.

As Kara pays Hound Haven a visit six years after, will the situation be any different for these dogs whose service to the country have been seemingly forgotten? Will Lotto - who lost a leg while in service - be able to find someone willing to adopt him after all these years?

Kara also gets to meet Tootsie - a Belgian Malinois who served as an explosives detection K9. But when he bit one of his handlers, military personnel shaved off his teeth and was relieved of duty. Now, he has finally found his forever home in the hands of a husband and wife who treats him like their own.

Watch Kara David's latest documentary "Ulilang Sundalo" on Saturday, January 7, 10:30 PM on GMA 7.