ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Bundok na kristal"
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Airing April 21, 2008 Monday late night after Saksi Parents normally avoid exposing little children to broken glass. But in one Bulacan neighborhood, the parents are the ones who bring their kids to the junkshops to handle broken bottles. Kara David documents the recycling junkshops where piles of broken glass are the sources of family income. She meets Mang Tonio, whose two young sons accompany him to work everyday, segregating straws and bottle caps from the glass bottles before they are squashed to small pieces. The entire family sustains small wounds on their hands and feet from the glass particles. Junior was once ârescued" from a junkshop by the Bulacan police, but he eventually returned to the same line of work. Junior continues to sort broken glass for a living, but now he has recruited his younger brother to work with him. Sorting broken bottles is simply a dangerous job. Brian had to stop working when a shard of broken glass hit his eye. He now suffers from cataracts and is in dire need of a cornea transplant. Kara David follows these families as they sort through mountains of crystal for survival. Her documentary airs Monday late night over GMA-7âs I-Witness.
Ang masugatan sa bubog ang isa sa pinakaiiwasan na mangyari ng karaniwang magulang sa kanyang anak. Pero sa isang lugar sa Bulacan, mga magulang ang mismong naglalapit ng mga bata sa bubog! Sa mga recycling junkshop dito, kumikita ang maraming pamilya sa mga bundok ng basag na bote. Makikilala ni Kara David si Mang Tonio at ang dalawang menor de edad na anak nito, na tumutulong sa paghihiwalay ng mga straw at tansan sa bote ng softdrinks bago ito durugin nang mas maliliit. Tinitiis ng buong pamilya ang mabubog sa paa at kamay kumita lang ng ipapangkain sa kanilang pang-araw-araw. Isa pa sa mga trabahante si Junior na nirescue na noon ng mga pulis, pero kalaunan ay lumipat sa isa pang bubugan. Ngayoây isinama pa niya ang kanyang nakababatang kapatid sa pagdurog ng mga bote. Malaki ang peligro sa ganitong trabaho. Si Brian, natalsikan ng bubog sa mata. Tinubuan ito ng katarata at ngayoây nangangailangan siya ng cornea transplant. Susundan ni Kara David ang mga batang naghahanapbuhay sa tuktok ng mga bundok na kristal, ngayong Lunes sa I-Witness.

More Videos
Most Popular