ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Underwear, crisis management and heels
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on July 26, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Underwear On July 25, âBench Blackout" was held at the Araneta Coliseum â the biggest underwear fashion show on Philippine history. The event was attended by the biggest Philippine stars and celebrities all clad in⦠underwear! Among them was Dingdong Dantes, who is said to have become more popular because of his ârevealing" billboards! In the past, underwears were not really given importance since itâs hidden under layers of clothings. But times have changed, and undies are now considered a fashion accessory! Dancing Queen Regine Tolentino collects expensive and imported underwear. One collector, however, admits to stealing undies from his neighborâs clothesline. Even men nowadays prefer panties over briefs, a proof that while underwear designs have improved, preference as to who will wear them has also changed. Crisis Management, Pinoy-style! Due to increasing prices of commodities, gasoline and transportation fares, stretching the budget has become a problem to many Filipinos. But it is also during a crisis that the ability of Filipinos to survive is put to test. Josie supports the needs of her ten children by keeping five jobs. Sheâs a laundrywoman, barangay hall sweeper and counter of shoppers at a nearby mall for a living. Aside from these three jobs, she also makes improvised stoves and personally sells them. On certain occasions, Josie also gets paid by gathering people to attend rallies. The biggest burden our population now shoulders is the increasing prices of gasoline, forcing car-owner executives to tighten their belts by riding jam-packed LRTs and MRTs. Even Senator Mar Roxas now takes the MRT to the Senate! While in UP Diliman, bike rental is fast becoming popular because it saves 100 percent on gasoline expense. These are just a few examples that Filipinos really have a knack at living through a crisis. Heels During the 2008 Miss Universe beauty pageant in Vietnam, Miss USA caught everyoneâs attention when she lost her balance on stage. She blames the incident to the heels of her shoes. Heels are very popular to Asian countries like the Philippines, where people come short of height. Becky Garcia, President of Dancesport Philippines, owns an imeldific collection of high-heeled shoes. She always wears a pair whenever sheâs on the dance floor! But did you know that heels were invented for menâs use? 16th century cowboys used heeled shoes to prevent their feet from sliding on the stirrups. Today, mostly women wear shoes with heels. They have become so trendy that specialty shops are now selling shoes with uniquely designed heels to suit oneâs fashion taste!
Underwear Nitong July 25, idinaos sa Araneta Coliseum ang âBench Blackout" --- ang pinakamalaking underwear fashion show sa kasaysayan ng Pilipinas. Tatampukan ito ng pinakasikat na artista at celebrity sa bansa na ang tanging suot ay ang kanilang mga underwear! Kasama sa mga inabangan ang pagrampa ni Dingdong Dantes na lalong pinagpantasyahan ng bayan nang magkalat ang kanyang mga billboard, kung saan ang tangi niyang saplot --- ang kanyang underwear! Dati, hindi halos napapansin ang ating mga underwear, kalimitan kasi ito ang pinakatagu-tago nating kasuotan. Pero ngayon, binabalandra na ng iba kung anong underwear ang suot nila. Ang âDancing Queen" nga na si Regine Tolentino, may koleksyon pa ng mga mamahaling underwear at karamihan sa mga ito, imported! Yung iba naman, nangongolekta rin ng mga underwear subalit ninakaw nila ang mga ito mula sa sampayan ng kanilang mga kapitbahay. Fetish daw kasi nila ang ganitong mga pang-ilalim. At may ilang mga lalake, sa imbes na mag-brief, mas pinipiling mag-panty! Patunay lamang ito na sa paglipas ng panahon, kasabay ng pagbabago ng disenyo ng mga underwear ay nagbabago rin maging ang mga gumagamit nito. Diskarteng Pinoy sa Panahon ng Krisis Dahil hindi mapigilan ang pagtaas ng presyo ng gasolina, pamasahe at kung anu-ano pang bilihin, maraming mga Pilipino ngayon ang pinuproblema kung paano pagkakasyahin ang kanilang pang-araw araw na budget. Pero ang totoo nyan, sa mga ganitong panahon din higit na nasusubukan ang pagiging madiskarte nating mga Pilipino. Katulad na lang ni Josie, para maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan ng 10 nyang mga anak, lima na ngayon ang kanyang mga trabaho. Siya ay labandera, taga-walis sa kanilang baranggay hall at taga-bilang din ng mga taong pumapasok sa mall si Josie. At hindi lang yan, nagbebenta rin siya ng mga ginagawa niyang kalan de uling at rumaraket bilang taga-hakot ng mga tao sa tuwing may rally. Pero ang pinakamalaking pasakit ngayon sa taumbayan, ang pagtaas ng presyo ng gasolina. Nagtulak ito para maging yung mga Executive na dating nagko-kotse, nakikisiksik na rin sa LRT at MRT para lang makatipid. Pati nga ang Senador na si Mar Roxas, sumasakay na rin daw ng MRT pauntang Senado. Sa UP Diliman naman, nauso na ang pagpaparenta ng bisikleta, ang pamamaraaang ito, syento porsyento tipid daw sa gasolina! Ilan lamang ang mga ito sa mga pamamaraan na nagpapakita kung paano lumalabas ang pagiging madiskarte ng mga Pilipino ngayong nahaharap sa krisis ang ating bansa. Kwentong Takong Sa katatapos lang na 2008 Miss Universe na ginanap sa Vietnam, nadulas sa entablado si Miss USA. Ang sinisisi niya sa pagplakda nila sa entablado --- ang sumabit nilang gown sa nagtataasan nilang takong! Dahil nga hindi katangkaran tayong mga Pilipino, patok na patok sa atin ang mga takong. Si Becky Garcia, Presidente ng Dancesport Philippines, may koleksyon ng mga nagtataasang takong na ginagamit niya tuwing siyaây nasa dancefloor! Pero alam nyo ba na naimbento pala ang takong para sa mga lalaki? Ginamit ito ng mga cowboy noong 16th century para maiwasan nila ang pagkadulas sa tuwing tumatapak sila sa estribo. Ngayon, kadalasaây babae ang makikitaang nagtatakong. At may shops na rin na ang pangunahing bentahe --- ang disenyo ng kanilang mga takong!

Tags: kmjs
More Videos
Most Popular