ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Negative ions, eel, original gangsta


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on August 16, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Negative ions There’s a new product in the market! Introducing, the “Anion" -- a sanitary napkin which has a strip of “negative ion" attached to the pad. Distributors claim that this product releases energy which can help prevent diseases. Other products such as accessories and lamps with negative ions are also being sold in the market. Are these products really effective? Eel (Igat) The Dinagat Festival was recently celebrated in Cordova, Cebu as thanksgiving for the sea’s blessings. Among the most awaited in the festivity was the parade where a man in costume danced like an eel or “igat", a kind of fish that resembles a snake. The eel industry in Cordova is a booming business, particularly the bakasi. Eel has become a favorite dish among tourists, especially “Nilarang". Couples in Cordova even believe that eel-foods are aphrodisiacs. Some prefer to raise eels as pets. James keeps 12 kinds of them, a proof that this snake-looking creature from the sea can be one’s friend too. Original gangsta Last week, KMJS witnessed the initiation rites of True Brown Style’s neophyte. The neophyte was beaten, a required ritual for those who want to join the gang. While the neophyte suffered blows from other gang members or ‘homeboys", he was made to clutch their O.G. or Original Gangsta- the group’s new leader who lords over members of the gang. Another gang is said to be feared in Manila’s port area – the Devil May Cry Gang. Those who want to join the group are also required to undergo initiation, a ceremony which involves burning the skin with a piece of metal. These violent practices are considered illegal. But despite this, many are still lured to these groups even if their rites have claimed the lives of several aspiring neophytes. Pinoy resourcefulness Quite a number of things considered trash can still be recycled. This was proven by Pinoys from all over the country whose resourcefulness earned them recognition even abroad. An example is the newly invented composite building boards made from chicken feathers. A stain remover was also recently formulated from crushed oyster shells. “From Rags to Riches" - women in Payatas were making bags from rags when Raja Laurel, a famous fashion designer, discovered them and introduced their products to international market. Their bags are now recognized abroad!
NEGATIVE IONS May bagong pinagkakaguluhan ngayon sa merkado. Ito ang “Anion," isang sanitary napkin kung saan diumano nilagyan ng strip na may “negative ion." Diumano naglalabas ito ng kakaibang lakas ng katawan at dahil dito maiiwasan daw ang iba’t-ibang uri ng sakit. At hindi lang strip na may negative ions ang pinagkakaguluhan ngayon sa merkado. Pati rin mga accessories at lampara, meron din daw negative ions. Epektibo nga ba talaga ang mga produktong ito? EEL (IGAT) Nang nakaraang linggo, pinagdiwang sa Cordova, Cebu ang Dinagat Festival. Ito ay bilang pasasalamat sa biyayang hatid sa kanila ng karagatan. Isa sa pinakahihintay na event sa kasiyahan ang parada kung saan ang pinaka-agaw atensyon --- ang isang tao na naka-costume at sumasayaw-sayaw na parang eel o igat, isang uri ng isda na mukhang ahas! Isang papausbong na industriya kasi ng Cordova ang mga igat, partikular na ang isang klase nito --- ang mga bakasi. At ang mga luto nito, lalong-lalo na ang Nilirang…paborito ng mga turista. Ang ilang mga mag-asawa nga sa Cordova, tinuturing din itong aphrodisiac! May ilan, hindi kinakain ang eel…sa halip, kanila itong inaalagaan. Tulad ni James na may 12 iba’t-ibang klase ng eel na ginagawa niyang pet. Patunay lamang na ang mga lamang dagat na ito na mukhang ahas, pwedeng-pwede ring gawing kaibigan. Original gangsta Noong nakaraang Linggo, nasaktuhan ng aming programa ang ginawang initiation sa isang neophyte ng True Brown Style. Binugbog ng sipa at tadyak ng mga “homeboys" ang isang neophyte para lang mapabilang sa kanilang gang. Habang binubugbog siya ng mga “homeboys" nakakapit lang ang neophyte sa kanilang O.G. o Original Gangsta --- ang pinakalider ng grupo. Siya raw ang bagong dyino-Diyos ng mga gang ngayon. Isang gang din ang kinatatakutan ngayon sa isang port area sa Manila --- ang Devil May Cry Gang. Ang initiation naman nila, pagpapaso ng markadong bakal sa balat ng mga gusto sa kanila’y mapabilang. Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang gannitong mga gawain. Ngunit bakit marami pa rin ang nahihikayat sumali rito, kahit pa minsan, buhay ang nagiging kapalit ng mga nagiging miyembro nito? Pinoy resourcefulness Mga bagay na patapon na, napapakinabangan pa pala! Ang pagiging maparaan ng mga Pinoy namamalas saan mang sulok ng Pilipinas at kinikilala maging sa ibang mga bansa. Katulad na lang ng bagong imbento ngayong composite building boards na gawa sa balahibo ng manok. Maihahanay rin dyan ang bagong tuklas na stain remover na mula sa mga dinurog na shell ng talaba. "From Rags 2 Riches" naman ang drama ng ilang kababaihan sa Payatas na gumagawa ng bags mula sa mga hinabing basahan. Hanggang sa nakilala sila ng sikat na fashion designer na si Rajo Laurel na siyang naging dahilan din para parangalan at kilalanin ang kanilang produkto sa ibang bansa! Kung mga palamuti naman ang pag-uusapan hindi papahuli ang mga taga-Naic, Cavite. Nagtataglay kasi sila ng malilikhaing kamay na gumagawa ng hikaw, kwintas at porselas mula sa pinatuyong bulaklak at dahon. At mainit ding pinag-uusapan ngayon ang Pili Pulp Oil ng mga taga-Sorsogon, na maaring mas masustansya at mas epektibo pa raw sa Virgin Coconut Oil.
Tags: kmjs