ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Hermaphrodite, anti-losyang and food traditions


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on September 26, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Hermaphrodite o intersex Kamakailan lang, pinagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ni “Romy" hindi niya tunay na pangalan at isang hermaphrodite, o yung taong may parehong sex organ ng lalake at babae, ang petisyon nitong kilalanin siya bilang isang lalake. Dahil dito, muli na namang napokus ang atensyon sa mga taong may ganitong medikal na kondisyon. At may samahan pala nito dito sa Pilipinas pero mas nais nilang tawagin ang kanilang kondisyon bilang “intersex." Nakilala namin ang batang si “Boy" hindi niya tunay na pangalan, isa ring intersex. Sa murang edad niya, wala siyang ibang ninais kundi ang umihi raw nang nakatayo. Muli rin naming binalikan si Nancy Navalta, isa sa mga manlalaro nating sumikat dati sa track and field subalit nabalot ng kontrobersya nang madiskubreng isa rin siyang intersex. Ano nga ba ang pinagdaraanan ng mga tulad nila? Anti-losyang! Ang pagiging losyang daw ng mga misis ang isa sa mga dahilan kung bakit hinihiwalayan sila ng kanilang mga asawa. Bakit nga ba napapabayaan ng ilang mga misis ang kanilang itsura at pangangatawan? At ano ba ang mga nauusong pampaganda ngayon para ang mga misis ‘wag matawag na losyang? Sa ganitong paraan lahat ng mga misis kahit may edad na, taas noo pa ring sasabihin ang isang linya sa patalastas na, “Its ok to be 40 as long as you look like 30." Pagkain at tradisyon May ilan tayong mga tradisyon at paniniwala na may kadikit na mga pagkain. Katulad na lang sa mga ita, sa tuwing may ikinakasal sa tribu nila, hindi pwedeng mawawala ang “Binulo," o manok na niluto pa sa kawayan. Ang mga Kapampangan naman sa unang dapa o unang hakbang ng kanilang sanggol, nagpapaluto sila ng “Lelat Balatong." Habang ang mga Muslim, tiyak na may panghimagas na “Du-dol" sa unang pagkakataong gugupitan ang kanilang mga sanggol. Ang mga Bulakenyo naman, namimiss na raw nila ang lutong parang hamon na “Bolingbol" tuwing sasapit ang Pasko. Muling tikman ang mga pagkaing ito na tila estranghero na ang lasa sa kasalukuyang henerasyon.
Tags: kmjs