ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Spider gambling, cosmetic procedures and Makabayan shirts
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on October 25, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Gagambling Isa sa pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taga-Masbate ay ang âpangingilaw" o pangunguha ng gagamba sa mga bukirin pagsapit ng gabi. Ang mga nahuhuling gagamba pinadadala dito sa Maynila at pinagbebenta sa halagang P 4 kada piraso. Pero wag ismolin, dahil ang mga gagambang itoâ¦pinaglalaban at pinagpupustahan. At ang taya --- umaabot ng mahigit sampung libong piso! Ngayong Sabado ng gabi, pasukin natin ang mundo ng gambling ng mga gagamba --- gagambling! Hirap bago ganda Maraming mga tao, gagawin ang lahat para gumwapo o gumanda. Kaya naman ang mga klinika ngayon, tila walang tigil ang pag-aalok ng mga bagong treatment na magpapaganda rawâ¦yun nga lang, kailangang tiiisin ang sakit na pagdaraanan. Para sa mga nais matanggal ang peklat sa mukha, kailangang pagulungan ang mukha ng195 na karayom. Kung nais namang mawala ang mga kulubot, tutusuk-tusukin ng ang mukha. At ang pinakabagong pantanggal daw ng kulubot ngayon, pagtuturok ng sariling dugo ng pasyente sa kanyang mga peklat. Sa ngalan ng kagandahan, hanggang saan nga ba ang kayang tiisin ng tao? Makabayan shirts Ang hilig ng mga kabataan ngayon, branded na mga damit. Pero may nauuso raw ngayong mga damitâ¦kung saan ang mga disenyo, nagmamalaki ng pagka-Pilipino. Tulad na lang ng âThree Stars and a Sun" apparel clothing ni Francis Magalona, handog daw niya sa kanyang âMga Kababayan!" Ang âI am Ninoy" shirt naman daw paraan para makilala ng bagong henerasyon ang kadakilaan ni Ninoy Aquino. Habang ang âMy Pilipinas" shirts naman, agaw atensyon sa disenyo nitong mapa mismo ng Pilipinas. Sa pagsusuot lang daw ng mga damit na ito, parang sinasabi nating âWeâre proud to be Filipino!"
Tags: kmjs
More Videos
Most Popular