ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Petster, skin stem cell, bangus, photography
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on November 8, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Facebook, Petster atbp. Sa panahon ng makabagong teknolohiya, ang pakikitungo ng mga tao sa isaât-isa, high-tech na rin! Salamat sa mga social networking sites. Sa isang pindot lang, makakasalamuha na sa cyberspace ang mga kaibigang matagal nang hindi nakita kahit pa yung mga malalayong kamag-anak. Kilalang-kilala na sa larangang ito ang Friendster, pero Facebook na raw ang bagong pumapatok na social networking site sa mga Pinoy. At ngayon, pati mga hayop, ânakikipagsosyalan" na rin sa internet. Ito ay sa pamamagitan ng petster.com. Skin Stem Cell Patuloy ang pag-aaral ng mga dalubhasa tungkol sa stem cell kung paano nito malulunasan ang ibang sakit at kung paano rin ito makapagdudugtong ng buhay. Kung dati galing lang ito sa embryo, ngayon pati raw sa balat natin, pwede na ring makakuha ng stem cell --- Skin Stem Cell. Ang mainam pa rito, ito raw ang sagot sa kumukulubot na balat at tumatandang katawan. Pinapalitan daw kasi nito ang mga lumang cell sa ating katawan at pinapalitan ng bago. Sa paraang ito, magmumukhang bata raw ang pasyente at makakaramdam ng youthful glow. Bangus Ang pambansang isda ng Pilipinas, malayo na talaga ang nararating! Mahigit isandaang putahe na pala sa bangus ang naimbento. May hotdog na rin na gawa mula sa bangus at pati tinik ng bangus, ginagawa na ngayong polvoron! Pagpapatunay laman na ang isdang ito, sadyang napakatinik! Pa-picture tayo! Hindi maikakailang ang mga Pilipino mahilig talagang magpa-picture! Kahit anong okasyon, hinding-hindi pwedeng walang magpapakuha ng litrato! Lalo na ngayong usong-uso na ang mga camera phones. Lahat ng pagkakataon sinusunggaban para lang magka-remembrance! Pero sa pagdagsa pala ng mga camera phones, nalugi naman ang mga photographer sa Luneta. Iilan na lang daw ang nagpapakuha sa kanila dahil marami na nga raw ngayon ang may mga sariling camera.
Tags: kmjs
More Videos
Most Popular