ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Abalone, electricity from garbage and nails


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on December 6, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Abalone Simbolo raw ng wealth at good fortune ang lamang dagat na abalone para sa mga Tsino. Sa sobrang mahal kasi ng mga putaheng luto mula rito, mayayaman lang daw ang nakakain nito. Pero hindi lamang mga Tsino ang nagpapahalaga sa shellfish na ito. Dahil mataas ang demand para dito sa pandaigdigang merkado, ito ang nakikitang bagong pag-asa ng aquaculture industry ng Pilipinas. Tulad na lang ng mga taga-Brgy Concepcion sa Iloilo na umaasa sa mga abalone na kung tawagin nila’y “sobra sobra!" Plantsahang Bayan Isang proyekto ang binuo sa Payatas upang mapakinabangan ang mga tambak ng basura at magamit ang sumisingaw ritong methane gas bilang kuryente. Ito ngayon ang ginagamit na kuryente sa Plantsahang Bayan sa Payatas. Kung saan ang mga misis ng mga Payatas dito libreng nagpaplantsa, alternatibo raw sa trabaho ng iba na mangalahig ng basura. Patunay lamang na sa basura hindi lang may pera…may kuryente na rin! Kuko Ang simpleng kuko sa ating mga kamay at kalingkinan, pwedeng magbigay ng sakit sa buong katawan. Hindi natin kasi alam, may mga fungi na palang gumagapang patungo sa ating mga kuko, dahilan para masira ito. May iba naman, nasisira ang kuko dahil sa pagngatngat nito. Isa pala itong psychological behavior na kailangang makontrol. Pero marami pa rin ang alaga pagdating sa kanilang mga kuko. Lalo pa’t ang mga magagandang kuko, pwedeng pwede ring pagkakitaan!
Tags: kmjs