ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bebe Gandanghari, pet bestfriends, singing priests and nuns


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on March 7, 2009 Saturday, 8:30 p.m. Bebe Meets Jessica Ang dating Rustom Padilla…patay na raw. Pero buhay na buhay ngayon si Bebe Gandanghari! Ang dating makisig na matinee idol, babaeng babae na ngayon. Kaliwa’t kanan ang kanyang commitments at pictorial, gayundin ang mga intriga at kontrobersya na kinakaharap niya. Si Bebe Gandanghari na nga ba ang newest gay icon ng bansa? Samahan si Jessica Soho sa kanyang one on one interview with Bebe ngayong Sabado. Doggie & Me Hindi lang sila basta basta mga pet, tunay rin daw silang mga kaibigan. Si Jaime may asong katulong niya sa pangongolekta ng pagkain sa ospital, hila-hila ang kariton. Ang pamilya Sayoc naman, dahil walang anak na lalake, nag-ampon ng asong lalake si Tyler. Ang mga asong ito ang kumukumpleto sa kanilang buhay…tunay namang man’s bestfriend! Singing Priests & Nuns Naririnig lang natin silang kumanta noon sa mga simbahan at kumbento. Pero ang mga pari at madre ngayon, nagko-concert na! Kagaya na lang ng Cebu Clergy Performing Artist, na mas kilala bilang singing priests ng Cebu. Kilala na rin sa kanilang “Sister Act" ang singing nuns ng “Vox Nazaritana" sa Greenhills. Ang maganda rito, lahat ng perfomance nila, may beneficiary --- ang kanilang mga parokya o kaya ang ilang mga charity.
Tags: kmjs