ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Children’s Rights: A Kapuso Mo, Jessica Soho Special
Episode on April 18, 2009 Saturday, 8:30 p.m. In the face of the struggle for Philippine independence, Dr. Jose P. Rizal believed that the future of the country lies in its youth. But if he were alive today, witnessing the struggles of our children, would he still have the same conviction? In a town where a childrenâs beauty pageant was recently held, several girls were willing to sacrifice health and safety to win the crown. Exhaustion, lack of sleep, risky acts such as belly dancing barefoot upon shards of glass--- these were just some of sacrifices the young girls had to go through. In the mountains of Montalban, Rizal, minors carry the weight of poverty upon their backs. These children take a three-hour treacherous hike to the town, carrying with them heavy sacks of fresh produce, charcoal, and firewood which are sold in the market. There are more than two million cases of child labor in the Philippines today. The country, still struggling with poverty, is still a long way off to ending child labor. However, all is not lost. The perseverance of non government agencies to uplift the condition of Filipino children has produced positive results. Chris, for example, used to be a scavenger. The cart he once used to carry waste materials is now loaded with blackboards, chalks, and books. At a young age, he teaches his fellow street children school lessons under the âKariton Klasrum" program. Join multi award-winning journalist Jessica Soho this Saturday as she takes a closer look at the plight of some of our youth today, on Kapuso Mo, Jessica Soho.
Sa kabila ng paghihirap ng kanilang panahon, naniwala pa rin si Dr. Jose Rizal, na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Pero kung makikita kaya niya ang pinagdaraanan ng mga kabataan natin ngayon, mapaninindigan pa rin kaya ng ating pambansang bayani ang kanyang paniniwala? Sa isang bayan kung saan kamakailan lang ay may ginanap na kiddie beauty pageant, ilan sa mga âmunting prinsesa" ay handang itaya ang kanilang kalusugan at kaligtasan para masungkit lang ang korona ng nasabing contest. Pagod, kulang sa tulog, pagsayaw ng belly dancing habang nakapaang nakatapak sa mga bubog --- ilan lang ang mga ito sa sakripisyo ng mga batang contestant. Sa kabundukan naman ng Montalban, Rizal, pasan-pasan ng maraming kabataan ang kahirapan. Ilan sa kabataan dito ay naglalakad ng tatlong oras papunta sa bayan, buhat ang mabibigat na sako ng prutas, uling at kahoy para ibenta. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit dalawang milyon na kaso ng child labor. Sa isang bansang naghihingalo sa kahirapan, malayo-layo pa bago matuldukan ang suliranin tungkol sa child labor. Pero dahil sa pagsusumikap ng ilang non-government agencies na iangat ang kondisyon ng mga kabataan, may mga positbong resulta nang nakikita. Si Chris, isang dating nambabasura, ay isa sa magandang halimbawa. Sa murang edad, ang tulak-tulak niyang kariton na dating naglalaman ng basura ay napalitan na ng mga pisara, tisa, at libr. Ito ay para maturuan ng mga leksyon sa paaralan ang mga kapwa niya batang lansangan sa ilalim ng proyekto ng Kariton Klasrum. Samahan ang award winning journalist na si Jessica Soho ngayong Sabado ng gabi sa pagsilip ilang mukha ng mga kabataan natin ngayon, sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Tags: kmjs
More Videos
Most Popular