ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Animal cosmetic surgery, wrestling, in - demand jobs


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on July 11, 2009 Saturday, 8:30 p.m. Animal Cosmetic Surgery Dati tao lang ang nireretoke pero ngayon pati mga hayop nagpapa-salamat po dok na rin! May mga asong pinuputulan ng buntot at daliri para magmukhang maganda. Yung iba naman, tinatanggaln ng voice box para hindi na tumahol. Ngunit hindi lahat natutuwa sa ganitong mga operasyon na pinagdadaanan ng mga hayop lalo pa’t ang may kagustuhan lang daw ng mga ito, ang kanilang mga amo. Wrestling Kada balibag ng katawan, siya namang hiyaw ng fans. Yan ang mundo ng mga professional wrestler kagaya na lang ng mga taga-WWE sa sa Amerika na magpapakitang gilas ng kanilang match ngayong linggo dito sa Pilipinas. Subalit ang mundong ito ng mga kalalakihan, pinasok na rin ng mga kababaihan! Habang sa isang baranggay naman sa Antique, buhay na buhay pa rin ang isang uri ng wrestling na natutunan nila sa kanilang mga ninuno --- ang dumog! In demand Jobs Abroad Naglipa na ngayon ang iba’t ibang anunsiyo tungkol sa samu’t saring trabaho sa ibang bansa. Pero hindi lang daw mga nurse at caregiver ang in demand ngayon abroad; pati na rin mga matadero, coffee shop barista, maging mga babaeng marunong sa automotive mechanics at welding.
Tags: kmjs