ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
25 Years of Jessica Soho Presents: The Philippine Presidents
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on June 12, 2010 Saturday after Claudine 25 Years of Jessica Soho Presents: The Philippine Presidents
Sa taong ito, 25 taon na sa industriya ng broadcasting si Jessica Soho. Makaka-anim na Presidente na ang Pilipinas sa loob nang mahigit dalawang dekada pero nariyan pa rin siya, hinahatid sa atin ang pinakamahahalagang ulat sa bansa. Sa loob ng dalawampuât limang Sabado, gugunitain ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang mga pinaka hindi malilimutang istoryang ginawa ni Jessica Soho sa nakalipas na dalawang dekada. Sa pagsisimula ng seryeng ito, unang babalikan ang mga natatanging interview ni Jessica Soho sa mga Presidente ng Pilipinas, mula kay dating Pangulong Corazon Aquino hanggang kay outgoing President Gloria Macapagal-Arroyo. Matutunghayan din ang kauna-unahang sit-down interview ni Jessica Soho kay President-elect Noynoy Aquino, matapos iproklama ang huli bilang panglabing-limang Presidente ng Pilipinas. Bungo Ng Unggoy
Dinudumog daw ngayon ang mga souvenir shop sa Lake Sebu sa South Cotabato dahil diumano sa mga ibinebenta ritong bungo ng unggoy? Ginagawa umano itong pandekorasyon sa bahay o kayaây pendant o palawit sa kuwintas. Ayon sa lokal na sangay ng DENR o Department of Environment & Natural Resources sa South Cotabato, patuloy na kumokonti ang bilang ng mga unggoy sa kanilang lalawigan. At kung hindi titigil ang walang habas na pangangaso sa mga unggoy, maaaring dumating ang panahon na wala nang unggoy na maglalambitin sa mga kagubatan ng South Cotabato. Celebrity Stylists
Sila raw ang tagasagip ng mga taong namimiligro ang hitsura. Mula ulo hanggang paa, sisiguruhin daw nilang hindi matatawaran ang fashion style ng kanilang mga kliyente --- mga stylist! Si John Hererra, teacher-stylist ng Fashion Institute of the Philippines. Isa sa mga paraan niya para sanayin sa pag-i-style ang kanyang mga estudyante, pinalulusob niya ang mga ito sa ukay-ukay para mag-mix and match ng ibaât ibang outfit. Si Liz Uy naman, hindi basta-basta ang mga kliyenteng inaayusan. Katunayan, siya ang stylist ni President-elect Noynoy Aquino. At ibubunyag din ng style icon na si Jolina Magdangal ang mga kuwento sa likod ng pagpapalit-palit niya ng image at fashion style. School Supplies
Ngayong back to school na naman, alam ba ng mga estudyante kung paano ginagawa ang ilan sa kanilang school supplies? Mula crayola, glue at pad paper, tuklasin natin kung paano nga ba ito nabubuo para gamitin sa ating mga eskwelahan.
Sa taong ito, 25 taon na sa industriya ng broadcasting si Jessica Soho. Makaka-anim na Presidente na ang Pilipinas sa loob nang mahigit dalawang dekada pero nariyan pa rin siya, hinahatid sa atin ang pinakamahahalagang ulat sa bansa. Sa loob ng dalawampuât limang Sabado, gugunitain ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang mga pinaka hindi malilimutang istoryang ginawa ni Jessica Soho sa nakalipas na dalawang dekada. Sa pagsisimula ng seryeng ito, unang babalikan ang mga natatanging interview ni Jessica Soho sa mga Presidente ng Pilipinas, mula kay dating Pangulong Corazon Aquino hanggang kay outgoing President Gloria Macapagal-Arroyo. Matutunghayan din ang kauna-unahang sit-down interview ni Jessica Soho kay President-elect Noynoy Aquino, matapos iproklama ang huli bilang panglabing-limang Presidente ng Pilipinas. Bungo Ng Unggoy
Dinudumog daw ngayon ang mga souvenir shop sa Lake Sebu sa South Cotabato dahil diumano sa mga ibinebenta ritong bungo ng unggoy? Ginagawa umano itong pandekorasyon sa bahay o kayaây pendant o palawit sa kuwintas. Ayon sa lokal na sangay ng DENR o Department of Environment & Natural Resources sa South Cotabato, patuloy na kumokonti ang bilang ng mga unggoy sa kanilang lalawigan. At kung hindi titigil ang walang habas na pangangaso sa mga unggoy, maaaring dumating ang panahon na wala nang unggoy na maglalambitin sa mga kagubatan ng South Cotabato. Celebrity Stylists
Sila raw ang tagasagip ng mga taong namimiligro ang hitsura. Mula ulo hanggang paa, sisiguruhin daw nilang hindi matatawaran ang fashion style ng kanilang mga kliyente --- mga stylist! Si John Hererra, teacher-stylist ng Fashion Institute of the Philippines. Isa sa mga paraan niya para sanayin sa pag-i-style ang kanyang mga estudyante, pinalulusob niya ang mga ito sa ukay-ukay para mag-mix and match ng ibaât ibang outfit. Si Liz Uy naman, hindi basta-basta ang mga kliyenteng inaayusan. Katunayan, siya ang stylist ni President-elect Noynoy Aquino. At ibubunyag din ng style icon na si Jolina Magdangal ang mga kuwento sa likod ng pagpapalit-palit niya ng image at fashion style. School Supplies
Ngayong back to school na naman, alam ba ng mga estudyante kung paano ginagawa ang ilan sa kanilang school supplies? Mula crayola, glue at pad paper, tuklasin natin kung paano nga ba ito nabubuo para gamitin sa ating mga eskwelahan. More Videos
Most Popular