advertisement
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Pinoy Shocker, Philippines’ Most Haunted Places, Laman-Loob, Campus Ghost Stories, and Halloween Business!"


Episode on October 30, 2010 Saturday after Jejomom Pinoy Shocker Photobucket Aside from monsters and witches, there are other iconic characters that made history in Filipino horror movies. Take for example the vengeful “Undin", the baby “Tiyanak" of Janice, and the “Halimaw sa Banga"! But where are these props/characters that were used in these classic horror movies? This Saturday, join our search for these memorable characters. Peek in the dark and hair-raising world of Pinoy horror! And witness the reunion of Manilyn Reynes and the infamous Undin! Philippines’ Most Haunted Places Photobucket At the heart of Mariveles, Bataan, lies the Ruins of Lazareto de Mariveles --- the first Quarantine Station that was bombed during the Japanese occupation. According to some witnesses, ghosts of war victims still haunt the place. Meanwhile, a stone church in Mindoro is also shrouded in mystery. It was built during the Spanish era and burned by Moros in the 18th century. Residents near the area say that the church is also home to paranormal events. Lamang-Loob Photobucket Based from folklore, forces of darkness love to eat internal organs! But in real life, innards usually give a distinct flavor to each dish! In Ilocos Sur, pig’s blood is used as sauce. In Bulacan, a quail’s internal organ is the favorite side dish of truck and tricycle drivers. And if you prefer healthy chicharon, a fresh water maya-maya’s intestine is the all-time hit for locals in Laguna! Campus Ghost Stories Photobucket In September 2009, disturbed spirits possessed more than sixty students in a school in Mindanao . Residents called the help of priests and imams but to no avail. When we went to the said school, at the middle of our interview, a student told us that a lost spirit was staring at our team! Hanap-Buhay, Hanap-Patay! Photobucket Planners are not only limited during weddings and special events, now, even funerals have them! For Hazel, her job is to make sure that her deceased clients are given special treatment: from the theme to the menu for the guests. Meanwhile, Landscape Artists give a lighter tone to the somber mood of funerals with the different designs and ornaments. While some funerals offer some coffins, where you can lie down for your pictures to be taken! And guess what’s the next favorite venue for weddings and movie shoots? Paco Park Cemetery ! These are just some of the careers that come to life not only during Halloween!
Pinoy Shocker Maliban sa mga manananggal, kapre at mangkukulam, may ilan pang mga sikat na horror characters na talaga namang Pinoy na Pinoy. Salamat sa ating mga Pinoy Horror Movies dahil nakilala natin ang ilan sa mga imortal na karakter tulad ng mapaghiganting Undin, ang Tiyanak na anak ni Janice at ang mapamuksang Halimaw sa Banga! Pero nasaan na nga ba ang mga props na ito na ginamit sa mga classic horror movies? Ngayong Sabado, balikan natin ang ilan sa mga kahindik-hindik na karakter na tumatak sa mga Pinoy horror films. Silipin ang mga madidilim at makapanindig-balahibong mundo ng Pinoy horror! At abangan ang muling paghaharap ni Manilyn Reynes at ng Undin! Philippines’ Most Haunted Places Sa Mariveles, Bataan matatagpuan ang Ruins of Lazareto de Mariveles. Ito ang kauna-unahang Quarantine Station na binomba noong panahon ng Hapon. At diumano, nagpaparamdam pa rin daw rito ang mga nasawi sa nasabing lugar. Marami ring kuwento ang bumabalot sa Simbahang Bato sa Mindoro na itinayo noong panahon ng mga Kastila na sinunog naman ng mga Moro noong 18th century. Ayon sa mga residenteng malapit sa simbahan, ang ruins ng lumang simbahan, pinamumugaran daw ng kababalaghan. Lamang-Loob Base sa ating mga kwentong bayan, ang hilig kainin ng mga kampon ng kadiliman --- mga lamang-loob! Pero meron talagang mga lamang-loob na sadyang niluluto para kilitiin ang ating mga panlasa! Sa Ilocos Sur, dugo ng baboy ang isa sa mga paborito nilang sawsawan! Sa Bulacan naman, ang laman loob ng pugo ang paboritong pulutan. Kung gusto mo naman ng healthy chicharon… ang lobo at bituka naman ng maya-mayang tabang, ang pambatong putahe dito sa Laguna. Campus Ghost Stories Setyembre ng nakaraang taon, mahigit animnapung estudyante ang diumano’y sinapian daw ng mga ispiritung hindi matahimik sa isang eskwelahan sa bandang Mindanao . Iba’t-ibang pari at imam na raw ang bumisita rito pero patuloy pa rin ang diumano’y maramihang pagsanib sa mga estudyante. Katunayan, sa kalagitnaan ng aming interview sa isang estudyante, napatigil ito dahil may isang kaluluwang ligaw raw ang kasalukuyang nakitingin… sa aming team! Hanap-Buhay, Hanap-Patay! Hindi lang daw sa kasal at mga events makakakita ng mga “planner" tulad ng mga wedding planner at events planner. Dahil ngayon… meron na ring funeral planner?! Trabaho ni Hazel, isang funeral planner na mabigyan nang maayos na lamay ang namatay. Mula sa tema ng burol hanggang sa kakainin ng mga bisita, metikuloso niyang pinaplano. Samantala, kung kalimitang malungkot daw ang mga burol, trabaho naman daw ng mga Landscape Artist na gawin itong maaliwalas. Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga disenyo at ornamento sa mismong lamay. May ilan namang mga punerarya na may mga kabaong, kung saan pwede kang humiga sa loob para magpa-picture! At ang mga lugar na dating pugad ng mga katatakutan, katulad ng Paco Park Cemetery, paborito na rin ngayong location ng mga kasal at kahit pa ng mga pelikula! Ilan lamang ito sa mga negosyong buhay na buhay kahit pa hindi Araw ng mga Patay!
Tags:
LOADING CONTENT