ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Tornadoes, Contraceptive Pills, Hair Majesty and Paper-rific!"


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on May 28, 2011 Saturday after Spooky Nights Banta ng Buhawi Photobucket Aside from typhoons, tornadoes are one of the most terrifying natural disasters that can strike men. Last Sunday, more than a hundred perished as a giant tornado hit the state of Missouri in America . Meanwhile, in Davao del Norte, twisters destroyed more than 20 houses while another tornado devastated a town in Cabiao, Nueva Ecija last Tuesday. This Saturday, find out how deadly tornadoes can be! Katang Festival Photobucket Residents of Atimonan, Quezon, found a unique way to celebrate their town fiesta --- by racing, binding, and cooking crabs! Contraceptive Pills Photobucket Contraceptive pills were usually used by women to avoid pregnancy, but gay men also use it to achieve a more feminine figure! But according to experts, these pills also pose serious health risks! Hair Majesties! Photobucket Have you ever wondered who’s behind the latest hairdo of Former-Philippine President-turned-Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo? None other than hairstylist Alona Carrasco! This Saturday, find out who are the hairstylists of the stars! Paper-rific! Photobucket Paper is primarily used for writing. But as time passed, people found creative ways to use it. For Albert Magsumbol, he tears up paper for art, while Lulu Ocampo turns paper into… coffins.
Banta ng Buhawi Maliban sa bagyo, may isa pang kinatatakutang hagupit ng kalikasan kung saan ang dambuhalang kumpol ng hangin, kayang-kayang sirain lahat ng bagay, bahay at maging buhay na madaraanan nito --- ang buhawi o tornado! Nito lamang Linggo, sinalanta ng tornado ang estado ng Missouri sa Amerika kung saan mahigit 100 tao ang namatay. Dito naman sa atin, isang buhawi ang nanalanta sa Davao del Norte na wumasak sa dalawampung kabahayan! At nito lamang Martes ng gabi, isang buhawi rin ang umatake sa Cabiao, Nueva Ecija. Ngayong Sabado, alamin natin ang bagsik na dala ng buhawi! Katang Festival Sa Atimonan, Quezon, isang kakaibang pista ang ipinagdiriwang taon-taon kung saan mula habulan, pagtatali at hanggang pagluluto… ang bumibida --- mga katang o alimango! Contraceptive Pills Sa gitna nang mainit na debate ngayon tungkol sa RH o Reproductive Health Bill, isang kontrobersya ang muling naungkat. Ito ang paggamit ng mga bading ng contraceptive pills! Orihinal itong ginagamit ng mga babae para hindi mabuntis pero ang mga bading, umiinom nito para maghubog babae ang kanilang katawan. Di hamak na mas mura raw kasi ito kumpara sa ibang hormonal pills. Pero ang babala ng mga doktor, may peligrong hatid daw ito sa kalusugan! Hair Majesties! Usap-usapan ngayon ang bagong hairstyle ni dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo. Nagmukha raw kasing maaliwalas ang itsura ng dating Presidente. Ang hairstylist na si Alona Carrasco raw ang gumupit sa kanya. Ngayong Sabado, kilalanin natin kung sino nga ba ang mga hairsylist ng ilan pang mga sikat na personalidad sa bansa! Paper-rific! Naimbento ang papel para may pagsulatan. Pero sa paglipas ng panahon, nahanapan pa ito ng iba’t ibang paggagamitan. At sa konting tupi-tupi at konting punit-punit lang, nakalilikha ng mga obrang gawa rito na talaga namang paper-rific! Ang artist na si Albert Magsumbol, paper tearing ang kinarir. Samantalang ang entrepreneur na si Lulu Ocampo, papel din ang gamit sa paggawa naman… ng kabaong?!