ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kapuso Mo Jessica Soho Halloween Special!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bilang paggunita sa Undas, tampok ngayong Sabado sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang mga kuwento ng katatakutan!   Sa isang lumang hotel sa Maynila, hindi lang daw basta VIP ang kanilang mga bisita. Ayon sa dating manager ng five-star hotel na ito, may dalawa umanong Koreano na nagmumulto rito. Mga biktima raw ito ng pananakal dahil sa pagkakalubog sa utang sa casino. Meron din daw nagpapakita ritong babaeng nakaputing gown.  Diumano multo ito ng dalagang karumal-dumal na minasaker sa Parañaque. Sa hotel daw na ito kasi huling nagdiwang ng kaarawan ang dalaga bago ito pinaslang.   Mga kaluluwang-gala naman daw ang diumano'y namumugad sa abandonadong ospital sa loob ng Clark Air Base sa Pampanga. Saksi raw si Apo Ramon sa mga iyak at hinaing ng mga kaluluwa ng mga sundalong namatay sa nasabing ospital. Maging ang lumang museo na nasa loob ng dating kampo ng mga sundalong Amerikano, balot din daw ng misteryo!   Sa mga nakalipas namang mga taon, naging pamoso ang mga tinatawag na Asian Horror!  Pumatok kasi sa takilya sa iba't-ibang bansa, ang mga horror movies na mula sa iba't-ibang panig ng Asya.  May ilan pa nga sa mga ito, nagka-remake sa Hollywood!  Ang mga Pinoy Horror films naman, kaya na rin bang makipagsabayan sa mga kalapit bansa natin sa Asya pagdating sa paggawa ng mga pelikula ng kababalaghan?   Isa naman sa mga nilalang ng kadiliman na bunga ng malikot na imahinasyon --- ang mga Zombie o mga patay na muling nabuhay! Kung dati'y labis itong pinandidirihan at kinakakatakutan, ngayon, patok na gimik ang mga Zombie! May computer game kung saan zombie ang mga bida, may fun run kung saan may ilang tumakbo na itsurang Zombie at meron ding Zombie cupcake.  At kamakailan lang, isang pelikula ang pinalabas, na ang pangunahing naging bentahe, mga bading na Zombie --- Zombadings!    Maging sa larangan ng sining o art at pagnenegosyo, mabentang-mabenta rin daw ang mga horror items na talaga namang. nakakata-cute!


This Saturday, get ready to be scared out of your wits with Kapuso Mo, Jessica Soho's Halloween Special! A once bustling hotel in Manila is believed to be haunted with spirits of its former guests, including a victim of a much publicized massacre case in the 90's.   Meanwhile, lost souls continue to haunt an abandoned hospital inside the Clark Air Base in Pampanga. And for years, Apo Ramon has been witness to the mysterious cries and wails of the spirits in the compound.   And while Asian Horror movies are known to scare millions worldwide, it is also considered as a very lucrative industry. In fact, some famous Asian Horror movies already spawned various Hollywood remakes! In the Philippines, are our film makers ready to face the challenge of scaring the world, big time?   Who among us are not scared of zombies? These monsters have always been known to give people a good scare, but now, people are going loco over them! Proof of these are the computer games, cupcakes, and even a movie!   From art to business, who would have thought that scary concepts. can be cute!