ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

FLASH MOB, ARYA BARYA, PINASarap atbp. sa Kapuso Mo, Jessica Soho


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Flash Mob   Mula sa iisang sumasayaw o kumakanta.unti-unti silang dumadami.hanggang sa isang iglap --- naging Flash Mob na!  Flashmob ang tawag sa grupong biglang nagtipon-tipon sa isang pampublikong lugar para sa kakaibang pagtatanghal! Tulad nang naganap kamakailan lang sa isang food bazaar sa Pasig kung saan mula sa iba't ibang direksyon biglang nagkantahan ng mga awiting Pamasko ang isang koro. Sa isang 5-star hotel naman sa Makati, walang anu-ano'y biglang bumirit ng mga Christmas song ang mga hotel staff! Paano nga ba nauso ang mga flash mob at gaano kahirap ito iorganisa?   Color Therapy    Ang iba't ibang kulay, diumano may hatid din daw na lunas sa ilang karamdaman?  Ito ang tinatawag na Color Therapy! Sa katunayan, ang Interior Designer na si Randy Lazo naniniwalang sa pamamagitan ng tamang kulay, maiiwasan daw ang depression ng isang tao. Ang Psychologist namang si Dr. Claudette Rosal, nababasa raw ang isip at emosyon ng kanyang mga pasyente gamit ang iba't ibang kulay!   Music Tagalized Version    Isa sa mga patok na kanta at sayaw ngayon, ang Teach Me How To Dougie! Pero alam nyo bang isinalin na rin pala ito sa wikang Filipino ng Pinoy singer na si Blanktape.  Ang titulo na nito ngayon "Turuan Mo Ko Nyan!" Sa sariling bersyon naman ng Waka Waka This Time for Africa ng mga DJ o disc jockey na sina Rex at Pakito, bidang-bida ang character actress. na si Susan Africa! Arya Barya!    Gaano man kalaki ang isang pera, hindi ito mabubuo kung walang barya. Kaya para ipaalala ang kahalagahan ng mga barya, bumuo ng isang mahabang linya ng mga beinte singko sentimos ang mga taga-Bangko Sentral ng Pilipinas. Umaasa rin silang sa pamamagitan nito ay maaagaw ang Guinness World Record na hawak ngayon ng America sa pinakamahabang linya ng mga barya!   PINASarap!    Ang ilang lugar sa Pilipinas, may bago raw na pinagmamalaking mga pagkain! Ang takyang na isang uri ng suso na matatagpuan lang sa Borbon, Cebu, bukod sa masarap i-adobo, naibebenta na rin nila ngayon nang nakagarapon! Ang mapiling panlasa naman ng mga turista sa CamSur, tiyak raw na magagayuma sa mga bagong putaheng Bicolano na sinangkapan ng pili nut gaya ng Crispy Laing.
 _______________________________
Flash Mob   It all starts with a single person dancing or singing. then in an instant, the participants start to add up and form a Flash Mob! Flash Mobs are groups that gather in a public for a unique performance! Filipinos are also into this kind of gimmick, like a food bazaar in Pasig where singers and dancers sang Christmas carols in different areas. Meanwhile, a five-star hotel in Makati also had their staff singing Christmas songs through flash mobs! Color Therapy   Some people believe that colors can heal different kinds of ailments. This method is called Color Therapy! For Randy Lazo, an Interior Designer, depression can be prevented by using the right colors. Meanwhile, Psychologist Dr. Claudette Rosal can read the minds and emotions of his patients with different colors.   Music Tagalized Version   One of the most famous songs nowadays is "Teach Me How To Dougie!" But do you know that it was translated in Filipino by singer Blanktape. Its title: "Turuan Mo 'Ko Niyan!" Disc Jockey Rex and Pakito also have their own version of Waka Waka This Time For Africa! Arya! Barya!   Coins are often taken for granted because of their miniscule value. But in order for people to remember their importance, representatives from the Bangko Sentral ng Pilipinas organized an event that will hopefully earn them the Guiness World Record for longest line of coins!   PINASarap!   Something new is cooking in the different regions of the country! From Adobong Takyang, a kind of snail that can be found in Borbon, Cebu, residents found a new way to preserve it and sell it in bottles! Tourists in CamSur can also taste Crispy Laing with Pili Nut!