Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kwentuhang Pasko at pimped Pinoy jeepneys


Christmas Party Party!   Ito ang pinakahihintay na pagtitipon ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan at kahit pa ng mga magkakatrabaho --- ang taunang Christmas Party!  Pero ang mga party ngayon, pabonggahan na rin sa gimik, mula sa theme, parlor games at kahit pa sa pagkain!  Kung nag-iisip pa kayo ng mga pakulo sa inyong Christmas Party, panoorin nyo ang mga tips namin ngayong Sabado!   Sarap ng Pasko Ang mga nakagawian nating mga pagkain tuwing Pasko, ginawan na rin daw ngayon ng twist! Para sa sopas, Kastanyas ang pangunahing sangkap na gamit ni Chef Judith. Queso de Bola naman ang kanyang pampalasa sa Rellenong Alimasag. Sa isang restaurant naman sa Makati, ang bida sa kanilang hapag-kainan, hindi lamang simpleng paella, sa halip --- Paella Tinola!   Namamasko Po!   Bukod sa pananapatan sa mga bahay-bahay, may iba't ibang pakulo na rin habang nanghaharana ng mga awiting pamasko. Ang koro ng Central Philippine University sa Iloilo, gumagamit ng maliliit na kampanilya! Visayan Christmas song naman ang pambatong kantahin ng mga taga-Don BoscoMakati! Habang ang mga taga-Tabaco City, Albay naman binubuhay pa rin ang kanilang tradisyonal na pangangaroling --- ang Pastores!   Pimp My Jeep!   Dito sa Pilipinas, nananatiling hari ng kalsada ang mga jeepney! Sa Iloilo, ang simpleng jeepney, ginawang look-a-like ng mga luxury vehicle --- Pasajero Sosyal! Sa isang mall naman sa Bicol, nilagyan pa ng second floor ang jeep nilang pang-service sa kanilang customers. Kapag sumakay naman daw sa limo jeepney ni Orlando, garantisadong kumportable at kumpleto sa amenities tulad ng flat screen TV at air condition!  Ngayong Sabado, angkas na sasakyang Pinoy na Pinoy!   I'll Be Home for Christmas!    Mula nang mawala ang alaala ni Danilo dahil sa pagkakabaril niya sa ulo, hindi na raw siya nakauwi sa kanilang probinsya sa Cotabato. Para may ikabuhay, nagbebenta ng sigarilyo si Danilo sa mga kalye ng Cubao. Ang malamig na sidewalk na rin doon ang nagsisilbi niyang tahanan. Ngayong darating na Pasko, wala siyang ibang hiling kundi muli nang makapiling ang kanyang pamilya sa Cotabato.
 

Christmas Party Party!   December --- it's that time of the year when everyone is merry and ready to party! This Saturday, find out how you can spice up your celebration with our unique and budget-friendly party ideas!   Sarap ng Pasko   This Christmas, dine in the traditional food selections with a twist! --- Sopas with Castañas, Rellenong Alimasag with Queso de Bola, and even Paellang Tinola!   Namamasko Po!   Christmas caroling has never been this interesting with the different ways people came up to boost their Christmas spirit! For the Central Philippine University of Iloilo, they used hand bells as musical instruments, while the students of Don Bosco in Makati sung Visayan Christmas song. While the residents of Tabaco City in Albay, sing carols the traditional way --- via Pastores!   Pimp My Jeep!   In the Philippines, jeepneys are considered as Kings of the Road! Just like in Iloilo, jeeps are designed like luxury vehicles. While a mall in Bicol offer rides for their customers with their two-floor, customized jeeps!   I'll Be Home for Christmas!  
After Danilo was shot in the head, he did not just lose his memory, he also lost his way back to his family in Cotabato. He sold cigarettes in the cold, busy streets of Cubao.  These same streets also became his home for the last couple of years. His only prayer is to finally go home. and this year, will he be able to make it come true?