ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pop icons, milk tea, sharksfin, pera sa basura at iba pang kwento sa KMJS


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pop iCONek   Pinag-usapan ang paghalik ng international singer na si Katy Perry, sa teen celebrity na si Ivan Dorschner, sa kanyang concert noong nakaraang linggo! Dahil dito, naging trending topic pa nga si Ivan Dorschner sa internet. Maliban sa starstruck talaga tayong mga Pilipino, iilan lang kasi sa atin ang sinuswerteng magkaroon ng close encounter sa mga Pop Icons! Katulad na lang ni Alyssa Elasin na minsan nang hinarana ni Justin Bieber. Ang iba naman, di man nila naka-encounter ang ilang international stars, may "koneksyon" pa rin sila rito. Kagaya nila Leeroy New at Kermit Tesoro, na ang kanilang mga dinisenyong damit, sinuot ni Lady Gaga sa cover ng kanyang album. Milk Tea Time!   May bagong pinagkakaguluhang inumin ngayon --- tsaa na tinimplahan ng gatas at hinaluan pa ng iba't ibang flavors tulad ng fruit juices, sago at yoghurt! Ito ang Milk Tea! Sa katunayan, kaliwa't kanan na ang mga nagbubukas na Milk Tea business ngayon. Pero di kaya tulad ng ibang food craze noon, kalauna'y mawawala rin ito sa uso? Dancing & Singing Telegram    Ang dating limitadong mensahe sa telegrama, idinadaan na raw ngayon sa pagsasayaw at pagkanta --- Singing & Dancing Telegram! Ang telegram singer na si Kim, pang international audience daw ang kanyang performance tuwing bumibirit siya ng mga kanta ni Charice.  Kapag umindak naman daw ang telegram dancer na si Mimi, tiyak na mag-iinit daw ang kanyang mga hinahatiran ng mensahe dahil sa kanyang fire dancing!      Shark's fin    Sa halip na laman, mga palikpik o fin at buntot ng pating ang pinupuntirya ng mga mangingisda. Pinaniniwalaan kasing kapag ginawa itong soup, nakagagamot daw ito ng ilang karamdaman tulad ng rayuma. Pero may malawakang kampanya ngayon para itigil ang panghuhuli sa mga pating.  At ilang malalaking restaurant na ang sumusuporta rito at di na sila naghahain ng shark's fin. Pera Sa Basura    Naging usap-usapan nitong nakaraang linggo ang mga napulot ng mga basurero sa isang dumpsite sa Mandaue,Cebu na mga singsing, kuwintas at purselas na tinatayang aabot hanggang 2 milyong piso ang halaga!  Nang malaman ito ng mga awtoridad, agad ipina-surrender sa mga basurero ang mga alahas para maibalik sa tunay na may-ari. Pero ang ilang alahas, naibenta na raw at naisanla!