ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Libutin ang Pilipinas sa travel special ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Travel Special sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Sabado Airing date: March 31, 2012
 
Ngayong Sabado ng gabi, libutin ang iba't ibang lugar sa Pilipinas at saksihan ang ganda at saya ng bansa sa Travel Special ng nag-iisang Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7!
 
Sa dinami-rami ng magagandang lugar sa tinaguriang "last frontier" ng Pilipinas, ang probinsya ng Palawan, may isa pa raw isla na hindi pa halos nadidiskubre ng  publiko-ang Onuk Island sa Balabac.  Pero bago raw marating ang nakatagong paraiso, kailangan daw munang dumaan sa matinding hirap pero kapag natagpuan na ang summer paradise na ito, para ka na rin daw nakarating sa langit!
 
Sa Cordillera Region naman, bukod sa makulay at mayamang kultura nito, ipinagmamalaki rin ng probinsiya ang kanilang mga pambihirang pagkain! Ang mga taga bayan ng Rizal sa Kalinga, taunang nagdaraos ng fiesta para ibida ang kanilang Pinikpikan habang sa bayan naman ng Kapangan sa Benguet matitikman ang Kiniing, pati na rin ang paborito nilang ipanghimagas na Inandila.
 
At umulan man o umaraw, may mga bagong adventure na pwedeng subukan tulad na lamang ng Mud Karting sa Puerto Galera sakay ng dune buggies at Sumo Surfing sa Batangas!
 
Ilan lang iyan sa mga kapana-panabik na tampok sa Travel Special ng Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng Kapuso Movienight, sa GMA-7. 
Tags: plug