ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bb. Bigating Beki, Ulamazing, Ilizarov Method at iStyle ko! sa Kapuso Mo, Jessica Soho


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bigating Beki Dahil itinuturing na espesyal na miyembro ng kanilang pamayanan sa Tagum City, Davao del Norte ang mga bading, taunang ipinagdiriwang doon ang Binuhat Festival. Sa taong ito, bukod sa parada ng makukulay at bonggang costume, magpapatalbugan din ang mga binuhat (o bading) sa Extreme Fun Gaymes gaya ng Gay Henyo. Pero ang pinakatampok sa kanilang pagdiriwang, ang pagalingan sa pagrampa ng mga heavy-gat na beki --- ang Supermodel Gay Boa! Ulamazing! Madalas na gawing panghimagas ang mga sariwang prutas. Pero para sa iba, star ingredient ang mga ito sa ilang putaheng pang main course! Katulad ng hinog na mangga na perfect daw i-partner sa manok --- Mango Saute with Chicken! Ang simpleng lumpia naman kapag sinahugan ng avocado --- Avocado Lumpiang Shanghai! Samantalang ang bunga ng sasa na pinagkukuhanan ng katas para gawing tuba at suka, malasa rin daw gawing pampaasim ng Sinigang sa Sasa! Ilizarov Method Kung dati, sa ibang bansa lang isinasagawa ang Ilizarov Surgery, ngayon, ginagawa na ito sa Pilipinas --- isang operasyon kung saan pinatutubo at binabago ang hugis ng napinslang buto. Aktwal namang nakuhanan ng video ang operasyon ng trese anyos na si Rafael para palitan ang naimpeksyon nyang artipisyal na buto sa binti. iStyle ko! Kasabay nang papalit-palit na nauusong gadget ngayon gaya ng mga cellphone, digital camera at computer, 'sing bilis din ang pagpapalit ng mga accessory para sa mga ito. Ang mga cute, unique at latest gadget accessories alamin ngayong Sabado!