ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

May Pera sa Kabute May Kabute sa Pera, Sanib, Can't Smile Without U, Misteryo ng Kalikasan at Kambal ng Tadhana sa Kapuso Mo, Jessica Soho


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mas maaga na ang Kapuso Mo, Jessica Soho! Abangan ngayong Sabado, 7:45 PM, sa GMA Channel 7. May Pera sa Kabute, May Kabute sa Pera Sa isang dumpsite sa Dagupan, natuklasan ng ilang basurero na may tumutubong kabute o mushroom sa mga itinapon ditong retaso o reject na pera ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Sinusubukan din ng Waste Management Division ng DagupanCity na magpatubo ng kabute sa ibang paraan tulad ng paglalagay sa ibang punogaya ng Ipil-ipil at maging sa dahon ng umbrella tree. Sanib Labing-apat na mag-aaral sa isang pampublikong paaralan sa Cebu ang diumano'y sinaniban ng masamang espiritu!  Ang mga espiritung ito mula raw sa puno ng santol. Nagwawala ang mga bata, marahas ang pagsasalita at nagpapamalas din daw ng kakaibang lakas. Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng pangyayaring ito? Can't Smile Without U Ayon sa isang pag-aaral, tatlo sa siyam na Pilipino ngayon, naka-pustiso! Katunayan, si Aika, maski apat na taong gulang pa lang, naka-pustiso na! Meron din ngayong tinatawag na Oplan Balik Ngiti na namimimigay ng mga libreng pustiso. At kilalanin si Jose, ang dating contestant sa Eat Bulaga na nalaglag ang pustiso habang nagpi-Pinoy Henyo! Misteryo ng Kalikasan Sunod-sunod ang balita nitong mga nakaraang araw tungkol sa mga pambihirang pangyayari sa kalikasan. Sa Iloilo, may natagpuang tubo kung saan nag-aapoy ang tubig na nilalabas nito. Ang sinkhole naman sa Cebu, naging dahilan para matuyo ang isang talon. At sa Laguna naman, may natagpuang lumulutang na bolang apoy na pinaniniwalaang santelmo!  Tuklasin ang mga kamangha-manghang misteryong ito ng kalikasan. Kambal ng Tadhana Sadyang may hindi raw napuputol na bigkis sa pagitan ng mga magkakapatid.  Ano pa kaya ang magkakambal na halos magkadugtong na ang pusod? Kaya nang paghiwalayin ng kapalaran ang magkakambal na Janice at Sarrah, tadhana na mismo ang gumuhit ng landas sa aksidente nilang muling pagtatagpo.