Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Kwento ni Mang Roldan, Gangnam Style, Trip Kita!, at iba pa sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'


Matapos maipalabas sa KMJS ang kwento ng paghahanap kay Mang Roldan, kinabukasan, may tumawag sa aming programa at nagsabing nasa San Fernando, Pampanga raw si Mang Roldan. At dito na nga muling nagkrus ang landas nila ni Joemil. Sa pangyayaring ito, paano nga ba mababago ang buhay ni Mang Roldan? Makikita na kaya niya ang natitira pa niyang mga mahal sa buhay? Out na raw ang "dougie" at Call Me Maybe. Ang in ngayon, Oppa Gangnam Style! Dahil sa nakakaindak na tunog at simpleng dance steps nito, umabot na ang Oppa Gangnam video sa mahigit 100 million views sa Youtube. Pero bakit nga ba patok na patok ito ngayon, worldwide? Makiangkas na sa mga natatanging sasakyan, tulad na lang ng bisikleta ni Alvin ng Ilocos Norte, na may taas na 7.8 feet. Kakaibang high naman ang mararamdaman kapag nakasakay sa drift trikes ng Antipolo! At trip mo bang sumakay sa isang eroplano, na ang disenyo- Hello Kitty! Sa darating na linggo, ipagdiriwang ang Grandparents' Day! Sa espesyal na araw na ito, kilalanin ang mga lolo at lola na kahit may edad na, tuloy pa rin sa pag-ariba!  Kilalanin ang mga lolang nagpo-poledancing at nagpapa-breastfeed pa! May lolo rin na sa kabila ng edad, mala-Adonis pa rin ang katawan. At sa Iloilo, matatagpuan ang mga lolo't lolang tour guides. Kung dati sa telenobela at pelikula lang nangyayari ang pagnanakaw at pagpapalit ng mga sanggol. ngayon nangyayari na rin daw ito sa totoong buhay?  Gaano nga ba kaligtas ang mga sanggol na ipinapanganak ngayon sa mga ospital? Abangan ang Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Sabado, 7:30 ng gabi sa GMA Ch, 7!
LOADING CONTENT