ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Zac Attack, Huwag mong Buhayin ang Bangkay, Hanep na Hayop!, at iba pa sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pinakilig niya halos lahat ng kababaihan bilang Troy Bolton sa High School Musical.  Sunod-sunod din siyang nagbida sa iba't ibang Hollywood movies.  Siya ang A-Lister at international heartthrob na si Zac Efron! At si Zac, narito ngayon sa Pilipinas! Abangan ngayong Sabado ang one-on-one interview ni Jessica Soho kay Zac Efron. Sa bayan ng Basey sa Western Samar, isang bangkay ng 20 anyos na lalaki ang hinukay matapos ang mahigit isang buwang pagkakalibing. Laking gulat ng pamilya nito na ang bangkay, hindi pa rin naagnas. Dahil dito, hindi na nila ito inilibing muli. Ngayon, mahigit tatlong dekada nang naninirahan ang bangkay kasama ang kanyang pamilya at diumano, nagpapamalas din daw ito ng milagro? Pero ano nga ba ang peligrong dulot nito sa kalusugan ng mga buhay? Naging laman ng mga balita ngayon ang mga kakaibang isdang napapadpad  sa pampang ng iba't ibang probinsya. Tulad na lang nang natagpuang lapu-lapu sa Eastern Samar na kasing laki ng tao! Sumulpot din ang isdang oar fish na may haba namang tatlong metro! At ngayon, meron na rin daw puting paniki? Ganap nang dalaga ang isang babae kapag naipagdiwang na ang kanyang debut o ika- 18 taong kaarawan. Pero ibahin ninyo si Fatima. Sa kanyang itsura at kilos, mapagkakamalang tatlong taong gulang pa lang siya. Ano nga ba ang kondisyong ito na nagpapahirap kay Fatima? Likas na maraming palaisdaan ang probinsya ng Agusan del Norte. Kaya naman hindi na kataka-takang marami rin dito ang iba't ibang uri ng suso tulad ng banisil, buncaa at golden kuhol. Ang natatanging sarap ng mga susong ito, tikman natin ngayong Sabado. Abangan ang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ngayong Sabado, 8PM sa GMA Ch. 7!