ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Isa't kalahating oras ng masarap na kainan sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ang Masskara Festival sa Bacolod City ay isa sa mga pinaka-exciting na fiesta sa buong Pilipinas.  Katunayan, isa ito sa dinadayo ng mga turista--lokal man o banyaga. Makidalo kasama si Jessica Soho sa kanyang pagbisita sa City of Smiles at makisaya sa parade ng mga makukulay na floats. At siyempre matatakam kayo sa Bacolod delicacies gaya ng Napoleones at Inasal na garantisadong…namit! Usapang yummy pa rin ang balita mula sa Davao dahil marami sa mga paborito nating imported chocolate ay proudly Philippine made!  Alam niyo bang libu-libong ektarya ng lupain doon ay taniman ng cacao?!  Hindi lang daw sila kilala sa durian kundi sa iba pang produkto na gawa sa cacao tulad ng tsokolateng Pinoy o ang coco-bar, coco wine at asukal!  Wow, cacao! Pero teka…tila pumapakla ang industriyang ito dahil kinakailangan daw nila ng mas maraming lupa para makasabay sa demand locally at abroad!  Mga isdang nagsisiksikan sa bote o lata…pambato ng Zamboanga!  Sardinas Capital of the Philippines ang bansag sa land of the Chabacanos dahil halos 35 libong tao dito pagsasardinas ang ikinabubuhay. Pero noong nakaraang taon, ipinagbawal ang pangingisda ng mga tamban na siyang dahilan sa pagtaas ang presyo ng sardines. Bagamat inalis na nitong Marso ang nasabing fish ban sa Zamboanga, umaaray pa rin ang mga Pinoy sa presyo ng paborito nating sardinas! Bawal ito sa mga may highblood o altapresyon! Pero sa tingkad ng kulay nito, sino ba naman ang hindi matutuksong sipsipin at namnamin ang taba ng talangka! Pero dahil modern na ngayon…yung mga sosyalero’t sosyalera na ayaw maghimay…ready to eat na ang mga aligue sa bote!  Ang negosyanteng si Gil, pagkakuha ng mga talangka sa palaisdaan, naisipan niyang iburo at ilagay ito sa mga bote para ibenta hindi lamang sa Pilipinas kundi sa China at iba pang mga bansa sa Middle East! Iba’t ibang putahe na rin ang matitikman na may sangkap ng aligue, tulad ng  Aligue Mousse at Cream Cheese aligue! Huwag papadala sa nakalalasap nilang itsura dahil ang ilan sa mga pagkaing ito ay diumano’y delikado at nakamamatay?!  Ang namu- isang klase ng rootcrop na tila kanin na hinaluan ng saging, kamote at iba pang root crops. Ang katas daw nito kadalasang ginagamit bilang pamatay sa mga peste? Pero ang mga residente ng Brgy. Namu sa Sorsogon, umaakyat pa ng bundok para matikman ang nakamamatay daw na sarap nito! Isa’t kalahating oras na kainan sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Sabado, 7:30PM sa GMA Ch. 7.  Huwag magpalipas ng gutom.  Yummy!