ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga Kwentong Pag-ibig sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dahil sa musical na Miss Saigon, nakilala ng buong mundo hindi lang si Lea Salonga kundi maging ang iba pang mahuhusay na mang-aawit na Pilipino. Matapos ang 26 na taon, nagpa-audition muli ang produksyon ng Miss Saigon sa Maynila sa pag-asang dito muli nila makikita ang bagong Kim at iba pang gaganap sa matagumpay na broadway musical. Sino-sino ang mga sumubok ng kanilang kapalaran? At totoo nga bang magdudulot na naman ito ng brain drain sa mga artist sa bansa?
Ikaw ba'y nalulungkot, nag-iisa at kabilang sa SMP o Samahan ng mga Malalamig ang Pasko? Ito na raw ang last chance para matugunan ang problema mo sa buhay pag-ibig --- ang radio program na Barangay Love Stories! Sa palatuntunang ito, hindi si DJ Papa Dudut ang bida, sa halip ang kanyang mga letter sender. Pakinggan ang mga nakakakilig at mga totoong kwento ng pag-ibig na aantig sa ating mga puso.
Nasa bansa ngayon ang mga Canadian appraiser na sina Erin at Vanessa. Pakay nilang maghanap ng mga antigong bagay na akala ng iba patapon na, pero bibilhin nila kahit umabot pa ng daan daang libong piso!
May ilang mga tao, sadyang hindi pangkaraniwan ang mga nakasanayang gawi. Tulad ni Sonny, pumapapak ng papel?! Si Edward naman, ang kinahihiligang ipahid sa kanyang paa araw-araw --- mantika! Abangan ang mga kwentong ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Sabado, pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA Channel 7!
Tags: plug
More Videos
Most Popular