ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga pampabuenas sa Year of the Snake sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'


KAPUSO MO, JESSICA SOHO Buenas sa Taon ng Ahas Airing Date: January 6, 2013 Narito na ang mga kwentong dapat ninyong abangan sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ngayong Linggo. Sa 25th Anniversary Concert pa man din ni Regine Velasquez naganap ang pinakakinatatakutan ng kahit sinong mang-aawit -- ang halos mawalan na siya ng boses. Gayumpaman, tinuloy pa rin ni Regine ang pagtatanghal. Hindi man niya naabot ang mga nota, dito naman niya naramdaman kung gaano siya kamahal ng kanyang mga tagahanga. Kinapanayam ni Jessica Soho ang Asia's Songbird ilang araw bago ang resbak niya sa pagbirit, ang repeat ng kanyang Silver Concert! Madalas silang pangilagan at katakutan. Pero ngayong 2013, sila raw ang magdadala ng swerte, ang mga water snake! Dayuhin natin ang Olutanga, Zamboanga Sibugay, kung saan matatagpuan ang kumpol ng libu-libong walo-walo o mga sea snakes. Sa Narvacan, Ilocos Sur matatagpuan ang pinakamalutong at pinakamasarap na bersyon ng mga Ilokano ng chicharong baboy --- ang bagnet. At bilang pagkilala sa ipinagmamalaki nilang produkto, kamakailan lang ipinagdiwang ang kanilang taunang Bagnet Festival. Pagkatapos ng kainan nitong nagdaang Kapaskuhan, para-paraan ngayon ang lahat sa pagbabawas ng timbang. Alamin kung ano ang mga patok ngayong ehersisyo at pampaseksi. Sa pagpasok ng New Year, trending sa Twitter ang #MyWishIn2013. Ang istorya sa likod ng mga nag-tweet ng kanilang mga kahilingan, ating pakinggan. at malay natin, meron sa kanila'y maisakatuparan. Ang mga kwentong ito ang tampok ngayong Linggo sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," Linggo, 7:45 PM a GMA-7.