ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'KMJS:' Romance, more fun in the Philippines


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kapuso Mo, Jessica Soho
Line-Up
Airing Date: January 27, 2013
 
Yum, Ramen, Yum!
 
Perfect ngayong malamig na panahon ang Ramen! At hindi na natin kailangan pang pumunta ng Japan para matikman ang original Ramen. Dahil nagsulputan na ngayon sa ating bansa ang mga Ramen House na magpapainit sa ating mga sikmura.
 
Bayani ng Rap
 
Pinatunayan niya na hindi hadlang ang cerebral palsy para kilalanin bilang isa sa pinakamahuhusay sa Fliptop Battle sa bansa. Siya si Joshua Martin Berenguer, mas kilala sa tawag na "Righteous1." Ngayong linggo ng gabi, mamangha sa tatas ng kanyang dila at talas ng kanyang pag-iisip!
 
Ipakita Mo, Pet Mo!
 
Sa paglilibot sa Metro Manila, malamang nakita nyo na ang askal na si Bogie Rider na nakaangkas sa motor ng kanyang amo at nakatodo get up pa! Naging laman din ng pahayagan kamakailan ang ginawang pagsagip ni Teresita sa kanyang mga tuta mula sa isang sunog. Pakinggan natin ang kwento ng mga natatanging atensyon at pagmamahal na binibigay ng mga amo sa kanilang mga alagang aso.
 
Hello Iloilo!
 
Matapos ang Sinulog Festival sa Cebu, ang mga debotong Ilonggo naman ang magbigay pugay kay Santo Niño, sa pamamagitan ng kanilang Dinagyang Festival.  Pero bago maki-fiesta, tuklasin muna natin ang iba pang mga natatagong yaman at paraiso ng probinsya ng Iloilo.  
 
Romance: More Fun in the Philippines
 
Inilunsad ng Department of Tourism ang kanilang bagong ad campaign na naghihikayat sa mga magsing-irog na bumisita sa mga romantic destinations sa Pilipinas. Timing na timing naman ito dahil sa isa namang pahayagan sa China, itinanghal kamakailan ang Pilipinas na Most Romantic Destination ngayong 2013.  Ang ilan sa pinaka-nakaka-inlove na mga lugar sa Pilipinas, pasyalan natin! Ang mga kwentong ito ang inyong aabangan ngayong Linggo, 7:45 PM sa GMA-7!