ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Kapuso Mo, Jessica Soho:' Jose Manalo, babalikan ang pagpe-pedicab.
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
RAKET NI IDOL
Alam nyo ba ang trabaho dati ng mga sikat na ngayong celebrities? Katulad na lang ng dabarkads na si Jose Manalo, dating takatak boy at pedicab driver. Bilang paglingon sa kanyang abang pinagmulan, susubukang muli ni Jose ang dating pinagkakakitaan. Kakayanin pa kaya niya?
MY CHILDHOOD SWEETS
Naalala niyo pa ba ang mga pagkaing paborito natin noong tayo'y mga bata pa? Tulad ng belekoy, puto seko at ampaw? Ngayong Linggo, tikman muli ang mga pagkaing magpapaalala ng ating kabataan.
O, DIVA?
May mga bago na namang pinagkakaguluhan online dahil sa kanilang talento. Kagaya na lang ni Paulette na na-videohang bumibirit ng "All By Myself" ni Celine Dion habang nasa food court. Marami ring humanga kay Eduardo, dahil kahit bulag, kahanga-hangang napakahusay niyang mag-ukulele at kumanta.
SWORD SWALLOWERS
Taon-taon pinagdiriwang ang Sword Swallowers Day sa Los Angeles, California. Sa taong ito, binida sa nasabing okasyon ang world's tallest swallower na lumulon ng mahigit 33 pulgadang espada. Dito naman sa Pilipinas, marami rin tayong mga kababayan na makapigil hiningang hanapbuhay ang paglulon ng mga espada. Pero paano ba matitiyak na ligtas ang paggawa ng stunt na ito?
LUCKY KOI
Sa katatapos lang na Koi Competition nitong nakaraang linggo, nagpasiklaban ang mga hobbyists sa mga pinagmamalaki nilang koi. Bakit nga ba marami pa rin ang lokong-lokong sa koi at tunay nga bang may dala itong swerte?

Tags: plug
More Videos
Most Popular