ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Gay Child Parenting sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kapuso Mo, Jessica Soho
Airing Date: March 17, 2013



Alamin ang mga bagong summer activity na papawi ng init ng panahon. Tulad na lang ng flyboard sa Subic kung saan magmimistula kang Iron Man sa dagat.



Ngayong pumasok na ang tag-init, tikman natin ang mga kakaibang flavor ng ice cream katulad ng lumot ice cream! Alamin din kung saan pwedeng kumain ng unlimited sorbetes at ng ice cream na umaapoy!



Mamangha sa mga Pinoy na may mga pang-out of this world na talento. Mayroong kayang magpalabas ng gatas sa mata. Mayroon ding kayang hipan ang lobo gamit ang ilong at mayroon ding kayang pagkasyahin ang buong katawan sa raketa!



Kapag nagigipit, ang ilang mga Pinoy sa sanglaan kumakapit. Anu-ano na nga ba ang isinasangla ng mga Pilipino ngayon para lang may maipanggastos?



Kontrobersyal na usapin ngayon sa social media kung paano nga ba ang gagawin ng isang magulang kapag nalaman niyang bakla o lesbiana ang kanyang batang anak. Pakinggan natin ang iba't ibang panig at opinyon sa usaping ito.



Habemus Papam!' Iyan ang mga katagang sinabi pagkatapos lumabas ang puting usok mula sa tsiminea ng Sistine Chapel. Kilalanin ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko - si Pope Francis mula Argentina! Sa panibagong yugto na ito ng kasaysayan ng Simbahang Katoliko, paano nito lalong mapagtitibay ang pananampalataya ng mga Kristiyano? Balikan din natin ang naging relasyon ng mga Pilipino sa mga nagdaang Santo Papa.

Ito ang mga kwentong tampok sa KMJS, Linggo, 7:30 PM sa GMA-7!