ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga tagahanga ng Iron Man, tampok sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kapuso Mo, Jessica Soho
Airing Date: April 28, 2013



Tikman ang mga pagkaing bago sa pandinig pero bubusog sa ating mga tiyan tulad ng itlog na maalat na may iba't ibang flavor tulad ng adobo, keso at honey. Sa Iloilo naman, merong nabubulok na sarap mula sa isdang Abo. At ang bago sa turo-turo, ang Kalabasa Balls.



Marami raw sa mga kabataan ngayon, bahagi ng "selfie" generation o 'yung walang kasawa-sawa sa pagpipicture ng sarili gamit ang kanilang mga digital camera o camera phone. Tila hindi pa yata sapat na nauuso dahil bukod sa simpleng mga litratong naka-pose, ang kanilang bawat kilos at galaw, mula sa pagkain at kung ano anong mga ginagawa, pinipicturan!



Sa linggong ito, buhay na buhay na naman ang Iron Man fever dahil sa pagpapalabas ng pelikula nito. Mamangha sa bawat kwento ng mga panatiko, kolektor, at mga real life Iron Man daw dito sa Pilipinas.



Simula ng sumakabilang buhay ang founder ng Home for the Golden Gays na si Justo Justo, nawala ang nasabing shelter na kumakanlong sa mga matatandang bading. Kaya unti-unti na rin daw nagkawatak-watak ang mga dating nakatira rito. Maibabalik pa kaya ang dating saya at ngiti ng ating mga "lola?"



Nauubos na ba ang budget n'yo kakalamyerda ngayong bakasyon sa malalayong lugar? Bakit hindi subukang dumayo sa malalapit na probinsya tulad ng Laguna? Maki-pasyal kasama si Benjamin Alves kung saan may iba't ibang adventure at pasyalan na naghihintay lang madiskubre.



Matagal na itong usap-usapan, na may ilan daw mga tao, pinanganak na may kakambal na hayop! Kagaya na lang ni Mang Erning na may kakambal daw na ahas?

Ito ang mga dapat ninyong abangan sa Kapuso Mo, Jessica Soho, 7:30 PM sa GMA-7!