ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Omar Borkan Al Gala, nagsalita sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho' matapos ma-deport dahil sa kagwapuhan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kapuso Mo, Jessica Soho
Airing Date: May 5, 2013



Naging viral sa mga social networking site ang litrato ng artista na si Omar Borkan Al Gala na diumano'y pina-deport nang pumunta sa Saudi Arabia dahil sa sobrang kagwapuhan? Ano nga ba ang biyaya at sumpang dala ng pagiging pogi?



Sa showbiz man o sa totoong buhay, sadyang may mga kapatid na nag-aaway. Papaano nga ba maiiwasan ang gulo at hidwaan sa pagitan ng mga magkakapatid?



Ayon sa National Statistical Coordination Board, kadalasang Php 180 daw ang budget na kinakailangan ng pamilyang Pilipino para may makain sa buong araw. Sa halagang Php 180, alamin kung paano mapapasarap ang ating budget meals!



Tunghayan ang mga hayop na may mga kakatwa at nakatutuwang kilos at galaw, caught on cam.



Gusto mong mamasyal pero ayaw ma-stress? Dayuhin natin ang mga pasyalan kung saan hindi lang mabubusog ang iyong mga mata, tiyak na marerelax ka pa!



Naging viral sa internet ang video ng batang si Aldrich Lloyd Talonding na kumakanta ng Dance With My Father. At ultimo ang sikat na Hollywood host na si Ellen De Generes, humanga sa husay kumanta ni Aldrich! Katunayan, inimbitahan pa nga ito ng host sa kanyang programa sa Amerika. Ngayong Linggo, mamangha lalo sa talento at kwento ng buhay ni Aldrich!

Abangan ang KMJS, 7:30 PM sa GMA-7!