ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Backstreet’s back, alright!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mapanonood ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programa, sundan kami sa Facebook, Twitter at Instagram. Para naman sa impormasyon tungkol sa mga paborito n’yong Public Affairs program, sundan ang GMA Public Affairs.



Tila isang malaking reunion ang ginanap sa SM Mall of Asia Arena noong Martes, Mayo 6. Ang dating mga batang ‘90s, na ngayo’y mga middle-aged na. Mga batang 2000s na ngayo’y certified yuppies o young professionals na. At ang mga millennial na sadyang mahilig sa musika.
 
Lahat sila nagsama-sama sa iisang arena, hindi lamang para panoorin ang concert ng Backstreet Boys na nagpunta sa ating bansa sa ikatlong pagkakataon, kung hindi para na rin sariwain ang masasaya at mapapait na alaalang hatid ng kanilang musika.
 
 
Ultimate boy band 
 
Abril 1993 nang opisyal na mabuo ang Backstreet Boys na kinabibilangan nina Brian Littrell, AJ Mclean, Howie Dorough, Kevin Richardson at Nick Carter. Hango ang pangalan ng kanilang grupo mula sa The Back Street Market sa Orlando, Florida, kung saan daw lumaki ang ilan sa kanilang miyembro.
 
 
Taong 1995 naman nang ma-release ang kanilang kauna-unahang single na “We’ve Got It Goin’ On.” Pero hindi agad ito naging hit sa United States. Sa katunayan, mas pumatok pa ang awit sa parte ng Europe. At taong 1996, natapos at inilabas na sa merkado ang kanilang debut album na “Backstreet Boys."
 
Simula noon, naging sunod-sunod na ang hit album at songs ng kanilang grupo. Kabilang sa mga album na kanilang ginawa ang “Backstreet’s Back," “Millennium," "Black and Blue," Never Gone," “Unbreakable," "This is Us” at ang pinakabago nilang album na “In A World Like This”.
 
Ilan lamang sa mga hindi malilimutang awit ng Backstreet Boys ang “I’ll Never Break Your Heart," “As Long as You Love Me," “Quit Playing Games with My Heart," "I Want It That Way," “Larger Than Life," The Call" at “Shape of My Heart”.
 
Taong 2006, nang umalis si Kevin Richardson sa grupo. Sa kabila nito, nanatiling buo ang Backstreet Boys. Hindi rin pinalitan si Kevin, kahit na nga may ibang interesado na pumalit sa kaniyang puwesto. Bumalik si Kevin sa grupo noong 2012.
 
 
Ultimate throwback
 
Hindi ito ang unang beses na bumisita ang Backstreet Boys sa bansa. Taong 1997 nang una silang mag-concert sa Pilipinas. At dito na nagsimula ang maituturing na “love affair” ng grupo sa mga Pilipino.
 
Muling bumisita ang Backstreet Boys sa bansa noong 2012 kasama ang isa pang boy band na “New Kids on the Block.”

 
Ang concert ng Backstreet Boys sa Pilipinas ngayong taon ay bahagi ng kanilang 20th anniversary at ng kanilang “In a World Like This” concert tour na sinimulan nila noong 2013.
 
Sa opening video pa lamang ng concert, hindi na magkamayaw ang mga fans. Hindi na magkarinigan ang bawat isa dahil sa lakas ng tilian at hiyawan.
 
At sa paglabas nina Brian, AJ, Howie, Kevin at Nick sa entablado, ipinakita agad nila na makalipas ang higit 20 taon nang una silang makilala, hindi pa rin nawawala ang ningning nila bilang ultimate boy band.

 
Pero higit sa pisikal na pagbisita ng grupo, ang higit na inabangan ay ang mga kantang tumatak sa masang Pilipino.
 
Narito ang kumpletong listahan ng mga kinanta ng Backstreet Boys noong Martes ng gabi.
 
1.  The Call
2. Don't Want You Back
3. Incomplete
4. Permanent Stain
5. All I Have To Give
6. As Long As You Love Me
7. Show 'Em (What You're Made Of)
8. Show Me The Meaning of Being Lonely
9. Breathe
10. I'll Never Break Your Heart
11. We've Got It Goin’ On
12. I Want It That Way and Drowning (acoustic)
13.10,000 Promises
14 Madeleine
15.Quit Playing Games with My Heart
16 The One
17. Love Somebody
18.Shape of my Heart
19. In A World Like This
20. I Want It That Way
21. Everybody ( Backstreet's Back)
22. Larger Than Life
 
Sa pagbabalik ng Backstreet Boys sa Pilipinas, muli nilang ipinakita kung gaano nila kamahal ang mga Pinoy na tinagurian nilang “favorite audience.”
 


Pero kung ang “crowd attendance” at “participation” ang pagbabatayan, marahil ay naipakita at naiparamdam natin sa bawat miyembro nila, na 20 taon man ang lumipas mula nang sila’y unang makilala, mananatili silang Pinoy’s “favorite boy band.” ---Carlo P. Isla/BMS