ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang totoong tinig ni 'Yaya Dub' ng 'Eat Bulaga'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mapanonood ang "Kapuso Mo, Jessica Soho" tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programa, sundan kami sa Facebook, Twitter at Instagram. Para naman sa impormasyon tungkol sa mga paborito n’yong Public Affairs program, sundan ang GMA Public Affairs.





Nito lamang nakaraan linggo, isang bagong mukha ang ipinakilala sa leading noon-time show na Eat Bulaga. Ang babae, walang dialogue at wala ring binibitiwang punch line. Dahil ang tanging mga banat niya sa makukulit na Dabarkads na JoWaPao ng Juan for All, All for Juan segment, ang kaniyang pagda-Dubsmash.
 
Ang bagong Dabarkads ay walang iba kung hindi ang 20 taong gulang na si Nicomaine "Maine" Mendoza, ang gumaganap bilang si Divina Ursula Bocoba Mash o “Yaya Dub,” ang supladang yaya ni Lola Nidora.
 
Ang kaniyang karakter, wala raw ibang ginawa kungdi paypayan si Lola Nidora. O di kaya, sumimangot at umirap-irap! Performance level din ang pag-lip synch niya at pagsunod sa mga sound effect.
 
Pero kapansin-pansing kahit sa kaniyang paglabas ngayon sa telebisyon, naka-dub pa rin ang kaniyang mga dialogue.
 
Sa magkahiwalay na panayam ng Kapuso Mo Jessica Soho at social media team ng GMA Public Affairs, narinig namin ang tunay na tinig ng Dubsmash-queen-turned-Dabarkads na si Maine.



 

Dubsmash queen undubbed
 
Tubong Bulacan si Maine. Nagtapos siya ng kursong Culinary Arts sa De La Salle University – College of Saint Benilde. Alam n’yo ba na ang “yaya” n’yo, sa isang resort sa New York City sa Amerika nag-OJT o On the Job Training? At sa ngayon,
tumutulong na si Maine sa kanilang family business.
 
Pero bago pa man sumikat si Maine sa pagda-Dubsmash, hilig na raw talaga niya ang mag-lip synch at mag-emote sa harap ng camera kahit noong estudyante pa lamang siya.
 
Hindi na tuloy kataka-taka kung bakit nagka-interes siya sa pagda-dubsmash!
 
"Actually, napansin ko siya dun pa lang sa first video ko, ‘yung kay Kris Aquino nga... Kinabukasan, nag-1 million views siya, hindi ko ine-expect. Parang achievement na sa akin ‘yun 'di ba, parang ang dami nang nakapanood ng video ko,” sabi pa ni Maine.
 
"Effortless" daw kay Maine ang pagda-dubsmash sa mga linya ni Kris Aquino! At ang video nga raw na ito ang naging tulay para ma-diskubre siya ng Eat Bulaga!
 
“Actually ito ‘yung secret, ultimate dream ko talaga, maging artista. Pero hindi ko siya sinasabi noon sa friends ko or kahit kanino kasi parang feeling ko, pagtatawanan lang ako. Siyempre, masaya na rin kasi secret ultimate dream ko ‘yun, 'di ba? Parang nandito na ako, getting there, living the dream,” dagdag pa ni Maine.
 


Nanibago raw si Maine nang sumabak siya sa Eat Bulaga. Dahil hindi katulad ng pagda-dubsmash na puwedeng ma-perfect ang pagli-lip synch, live niya itong ginagawa sa programa.
 
“Nung una po natatakot ako kasi biglang salang e, wala po akong workshop, as in ‘yung Dubsmash at ‘yung pagpapangit ko lang sa camera talaga. Pero ayun po, parang tingin ko medyo okay naman. Saka natututo naman po ako dahil sa araw-araw na nga ring ginagawa,” kuwento ni Maine.

Pero kahit na nga sa kasikatan niya, marami pa rin ang nahihiwagaan sa kaniyang boses.
 
Sa isang eksklusibong panayam sa GMA Public Affairs, ipinarinig niya sa amin tunay niya tinig at ibinahagi niya ang kaniyang saloobin sa pagiging instant internet sensation.
 
Narito ang bahagi ng aming panayam: