ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pinoy wrestling, ants, and racial slur
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on October 20, 2007 Saturday, 8:30 p.m. Pinoy wrestling Sino ba naman ang makakalimot sa mga pangalang Hulk Hogan at Ultimate Warrior? Sumikat sila sa World Wrestling Federation, na ngayon ay World Wrestling Entertainment na. At nagkataon namang may lahing Pinoy ang kasalukuyan ditong kampyon⦠si Batista. Sila ang nagbigay daan upang makilala ang wrestling sa ibaât-ibang panig ng mundo, maging dito sa Pilipinas. Pero sa panahon ngayon, nagbabagong anyo na raw ang wrestling sa ating bansa. Hindi lang ito basta buntalan at daganan. Pinasukan na kasi ito ng mixed martial arts tulad ng Sikaran at Jiu jitsu. Langgam Small but terrible, yan ang karaniwan nang taguri sa mga langgam. Dahil ito sa masakit nilang kagatâ¦makati na, mamamantal pa. Pero sa bayan ng Mayoyao sa Ifugao, ang mga langgamâ¦pinaglalaman-tiyan. Dahil ang itlog ng mga langgam na tinatawag nilang allaga (alla-kha)⦠pinapapak nila! Ang tradisyong ito, kasing tanda na raw ng kanilang mga ninuno. Racial slur Mali nga bang pasaringan tayo ng ibang lahi o sadyang pikon lang tayong mga Pilipino? Laman na naman ngayon ng usap-usapan ang ating bansa dahil sa ilang ulit na pangungutyang sinabi tungkol sa ating lahi. Isa na rito ang pasaring sa sikat na American series na âDesperate Housewives" kung saan minaliit ang kakayahan ng mga Pilipinong doktor. Nasundan pa ito nang lumabas naman sa âThe Daily Show" sa Amerika ang larawan ni dating Pangulong Corazon Aquino na may nakasulat na salitang âslut". Marami ang hindi natutuwa. Nagprotesta pa nga ang mga kababayan nating Pilipino sa Amerika. Ngunit may ilan ding nagsasabing tayo rin namanâ¦malakas mang-alaska. Hindi kaya pikon lang talaga tayong mga Pilipino?
More Videos
Most Popular