ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Cults, earthworms, weird houses
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on February 2, 2008 Saturday, 8:30 p.m. KULTO Kilala ang Pilipinas bilang pangunahing Katolikong bansa sa Asya. Marami tayong mga ritwal at dasal na nagpapakita ng ating debosyon. Pero may mga iilang mga nagpapakilalang Kristiyanong grupo sa Pilipinas ang nagsasagawa ng mga kakaibang ritwal tulad ng pagtataga at pagtahi ng alambre sa katawan, at pati na rin ang paggamit ng mga anting-anting at pagkain ng mga bubog. Ang turing ng iba sa kanilaâ¦âkulto." Ngunit depensa nila, bahagi lamang daw ito ng pagpapatunay ng kanilang pananampalataya na siya ring inaasahan nilang magliligtas sa kanila sa kapahamakan. BULATE Ang madulas at mala-ahas na nilalang na ito ang itinuturing na isa sa mga salarin sa unti-unting pagkasira ng tinaguriang World Heritage Site ng UNESCO --- ang Banaue Rice Terraces. Ito ang mga giant earthworm. Ga-daliri ang kanilang taba at umaabot hanggang dalawampung pulgada ang haba. Pero hindi naman daw lahat ng bulateâ¦peste! Tulad na lang sa Iloilo, biyaya ang turing nila sa mga bulate. Bukod daw kasi sa nakakain ito, panlunas rin daw ito sa ilang mga sakit. PHILIPPINE POND TURTLE Pagong ang itinuturing na pinaka-mabagal na hayop sa buong mundo. Pero mabilis ito ngayong nauubos dahil iligal sa pangongolekta, pagkain at pagbebenta nito. Isa sa mga uri ng pagong ang pinangangambahang tuluyan nang maglaho ang Philippine Pond Turtle. Ang akala ng mga siyentipiko, sa Leyte lang ito matatagpuan dahil doon ito unang nakita. Ang hindi nila alam, sa isla pala talaga ng Palawan ito nagmula. Ngayon may ilang mga Philippine Pond Turtle sa Palawan, at ginagawa nila ang lahat para masagip at maparami ang kanilang lahi. HAPPY HOUSE Sinasalamin daw ng bahay ang katangian ng may-ari nito. Pero paano na lang kung ang disenyo ng bahay, medyo kakaiba? Tulad na lang ng isang bahay sa Davao, hugis elepante. Sa Korea naman may tahanang parang inidoro. Sa Japan naman, hindi nalalayo sa takure. Gaano man ka-garbo o ka-weirdo ang bahay, mas mahalaga pa rin ang ugali ng mga taong nakatira rito.
More Videos
Most Popular