advertisement
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Alaala: A Martial Law Special, ngayong Sep.17 na sa GMA Network!


 


45 na taon matapos ideklara ang Batas Militar ni dating Pres. Ferdinand Marcos, ang mga biktima ng human rights abuses ay patuloy pa ring humihingi ng hustisya.  At ang ilang taon sa ilalim ng Batas Militar at tila limot na.


Sa tantya ng mga organisasyong sumusulong ng karapatang pantao, sa ilalim ng noo’y Martial Law, 70,000 ang mga nakulong.  34,000 ang nakaranas ng torture.  3,240 ang mga pinatay.  884 ang pwersahang nawala kung saan hanggang ngayon, 612 ang hindi pa rin natatagpuan.


Kaya naman ang mga nakaligtas sa lupit ng Batas Militar noon ay laging pinapaalalahanan ang mga Pilipino: “Huwag makalimot.” Ito ang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas na ang mga simpleng salitang ito ay may dalang bigat.

 Sa ika-45 na anibersayo ng pagdeklara ni Marcos ng martial law, inihahandog ng GMA-7 ang isang pelikula sa loob ng isang dokumentaryo.  Susundan nito si Bonifacio Ilagan o Boni, isang award-winning screenwriter na ipinangalan kay Andres Bonifacio.  Tulad ng kaniyang katokayo, nakipaglaban din si Boni sa mga nagmamalabis ng kapangyarihan.  Isa siya sa mga aktibista noong Martial Law na kalauna’y dinakip at tinorture sa kamay ng Philippine Constabulary.

 Ang kaniyang mga alaala noong panahong iyon ay isasapelikula at gaganapin ng Kapuso star na si Alden Richards.  Bibida rin sa pelikula sina Gina Alajar, bilang ina ni Boni, Bianca Umali, bilang kapatid ni Boni na si Rizalina, at si Rocco Nacino bilang kaibigan ni Boni na si Pete Lacaba.

Susundan ng dokumentaryo kung paano mabubuo ang pelikula at makikilala ang ilan sa mga taong personal na nakaranas ng pang-aabuso noong panahon ng Martial Law.   Isasalaysay rin ng historian ang mga pangyayari ng mga panahong iyon.  Si King Rodrigo, anak ni dating Senador Soc Rodrigo,  magkukuwento kung paano nilabanan ng oposisyon ang diktador.  Ang apo naman ni Primitivo Mijares na si JC Mijares-Gurango ang magbabahagi ng mga natuklasang katiwalian at pamemeke ng mag-asawang Ferdinand at Imelda para manatiling nakaupo sa puwesto.  Si Primitivo Mijares ay dating propagandista ni Pres. Marcos na nagbunyag ng kanilang conjugal dictatorship.

Sa ilalam ng Martial Law, mahigit 800 katao o naging mga  desaparecido.  Sila ang mga pinaka matatalinong estudyante ng kanilang henerasyon na nanindigan laban sa diktaturya.  Kalaunan, sila’y pinaniniwalaang dinakip at pinatay para manahimik. Kabilang na rito ang kapatid ni Boni na si Rizalina Ilagan.

Huwag kaliligtaan ang Alaala, A Martial Law Special ngayong Linggo, Sept. 17, sa SNBO.

LOADING CONTENT