Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'The Atom Araullo Specials'

'COVID-19: Nang Tumigil Ang Mundo', mapapanood na ngayong Linggo!


 

COVID-19: NANG TUMIGIL ANG MUNDO
THE ATOM ARAULLO SPECIALS
MAY 31, 2020 SA GMA-7

Paano binago ng Covid-19 ang buhay mo?

Lahat tayo may iba’t ibang kuwento at pinagdaraanan sa gitna ng pandemya.

Sa dumaraming bilang ng mga nagkakasakit, at namamatay mula sa Covid-19, marami ang nangangamba. Marami rin ang gutom. Walang katiyakan sa hinaharap, at kung kailan nga ba matatapos itong pandemya?

Sisiyasatin ni Atom Araullo kung paano binago ng pandemya ang buhay ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo.

At ipakikita ang iba’t ibang mukha ng Covid-19, sa isang espesyal na episode ng 'The Atom Araullo Specials', ngayong Linggo, May 31, 2020, 3:30 PM sa GMA-7!