Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Bright Side'

Animal heroes, kilalanin ngayong Martes sa Bright Side!


 

“ ANIMAL HEROES , BAYANING GURO AT ANG TRENDING BAKED SUSHI NGAYONG MARTES SA BRIGHT SIDE!”

Ngayong Martes, talagang mapapangiti kayo sa hatid na good vibes ng mga kwentong handog ng  Bright Side.

Hindi na bago ang pagiging Animal Welfare Advocate ng Kapuso Actress na si Heart Evangelista, pero ngayong may pinagdaraanan tayong krisis mas lalo niyang napatunayan na malaki ang kanyang puso para  sa mga hayop. Ilang linggo lang ang nakararaan habang nasa Sorsogon si Heart, isang aso ang sinagip niya sa gitna ng pandemya.

Nakilala rin ng Bright Side ang isang Animal Hero na bagama’t banyaga, may pusong Pilipino!  Isang Canadian National si Ashley Fruno na nagtayo ng grupong Pasay Pups at sa gitna ng COVID-19 sinasadya nila ang mga sementeryo at squatters area para magpaligo at magpakain ng mga aso at pusa. Isang larawan din ang nag viral habang pinapakain ng isang babae ang mga hayop sa kalsada. Napansin daw ng uploader na araw araw itong ginagawa ni Rona Calso at napahanga siya. Ayon kay Rona alam niya na ngayong may pandemya,  uunahin ng lahat na pakainin ang mga tao kaya ang naisip niyang misyon--- siya na ang magkukusa para sa mga hayop sa lansangan na tulad natin ay dumadaan din sa  matinding gutom.

Ibang klase ang hamon na hinaharap ng ating mga guro ngayong New Normal lalo pa’t papalapit na ang pagbubukas ng klase sa August 24 kung saan “Blended Learning” o Online at Modular ang istilo ng pagtuturo.  Maituturing na bayani ang mga nakilala nating Titser na kahit pa mag- bahay-bahay sa gitna ng baha… umakyat sa bundok at tumawid ng tatlong ilog--- gagawin ang lahat maihatid lang ang edukasyon sa mga kabataan!

Talagang#Couplegoals ang nakilala nating Pandemic Couples dahil kahit pa magkahiwalay at naka-quarantine naitawid nila ang kanilang Virtual Prenup… kakaibang kasal sa pamamagitan ng Online Game at isang Frontliner na walang nakapagpigil kahit pa Coronavirus makapag-propose lang sa kanyang minamahal.

At sa Good Eats, alamin kung paano lutuin ang trending na Baked Sushi kasama ang Trending Social Media Sweetheart na si Jelai Andres.

 

Catch Bright Side of  “NEW NORMAL: The Survival Guide” every Tuesdays 8:30PM on GMANEWSTV!