ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Animal hoarding sa pilot episode ng 'Out of Control'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
OUT OF CONTROL: Animal Hoarding
Sabado, November 23, 2013, 4pm
Sa pambungad na episode ng pinaka-bagong docu-reality program ng GMA, kikilalanin ng Out of Control ang ilan nating mga kababayan na may psychological disorder o sakit sa pag-iisip na dog hoarding.

Makikilala ng host na si Rocco Nacino si Nanay Terry na may alagang 35 na aso at 9 na pusa. Dumami raw ang kanyang mga alagang aso dahil sinasagip niya ang mga ito mula sa katayan. Pero dahil sa kakulangan niya sa kakayahang mag-alaga, pare-parehong galisin ang mga aso ngayon. Ang mga katawan nila, halos buto’t balat na lang. Pag-amin ni Rocco na isang animal lover, hindi raw niya maisip kung paanong natitiis ng mga hayop, lalu na ng mga tao, ang mabuhay sa ganoong sitwasyon. Kuwento niya, “Kumbaga ang nangyari dito ang pakiramdam parang nasa hawla.”
Pero ano nga ba ang kaibahan ng taong mahilig lang sa mga alagang aso at ang isang tinatawag na dog hoarder? Ayon sa psychologist na si Cristina Gates, “Yung dog lover realistic siya na mag-alaga ng kung ilang aso pero yung dog hoarder, wala na sa lugar. Out of Control na eh in terms of paglalagyan na lugar ng aso.”
Susubukan ng Out of Control na kumbinsihin si Nanay Terry na ipaampon ang kanyang mga alaga para mas mapabuti ang kalagayan nilang pamilya.
Ang tanong: Papayag kaya siya?
GMA’s newest docu-reality program Out of Control airs this Saturday, November 23, at 4pm.
Ang tanong: Papayag kaya siya?
GMA’s newest docu-reality program Out of Control airs this Saturday, November 23, at 4pm.
Tags: plug, outofcontrol
More Videos
Most Popular