ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Cutting at compulsive hoarding, tatalakayin sa 'Out of Control'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.






Mahigit sampung taon nang kabuhayan ng 65-taong gulang na si Nanay Guadalupe “Openg” Tugonon ang pangangalakal ng basura. Pero imbes na idiretso sa junk shop ang mga plastic at boteng nakolekta, inuuwi muna ni Nanay Openg ang mga ito sa bahay niya. Dahil sa gabi-gabing pangongolekta, natabunan na ng mga gamit ang kanyang munting barong-barong. Sa loob naman, dahil sa tambak ng mga damit, kumot at mga bag, halos wala nang magalawan si Nanay Openg. Kaya nang bisitahin siya ng “Out of Control” host na si Rocco Nacino, di niya maunawaan kung paano nabubuhay dito si Nanay, “Medyo concerned ako. Paano siya natutulog? Paano siya kumakain dito? May bumibisita kaya sa kanya dito? Ang dami kong tanong para sa kanya… First time ko makakakita ng ganito.”
 
Alamin sa Sabado kung anong nangyari kay Nanay Openg noong kanyang kabataan kung kaya’t nagkaroon siya ng sakit na kung tawagin ay “compulsive hoarding” o yung kundisyon kung saan di mapigilan ng isang tao ang pangongolekta ng kung ano-anong gamit, kahit pa yung mga bagay na dapat nang ibasura. Subaybayan ang kanyang pagbabago at alamin kung bakit nasorpresa ang “Out of Control” host na si Mariz Umali nang puntahan niya si Nanay Openg, isang linggo matapos una siyang makilala ng aming mga camera.






 
Sa mga di nakakikilala sa trenta’y singko anyos na si Roberto “Dorot” Rivera,  madaling sabihin na walang ordinaryo sa kanya. Tahimik at medyo mahiyain, paekstra-ekstra lang siya sa construction o kaya naman ay nagkukunduktor siya ng jeep. Pero sa ilalim ng kanyang pangkaraniwang anyo, nakaguhit sa kanyang balat ang mga bakas ng mga problemang hindi niya kinayang pasanin.
 
Kapag nakararamdam kasi si Dorot ng matinding lungkot o galit dahil sa mga suliraning hindi niya kayang harapin, naglalasing siya at pagkaraan ay naglalaslas sa dibdib at sa kanyang mga braso. Kuwento niya, “Kapag nakakainom po ako, ang ginagawa ko po nagbabasag po ng bote. Hinahampas ko po sa ulo ko. Pagkahampas ko sa ulo ko, naglalaslas po ako. Tapos kinakain ko po yung bubog... Nginangatngat po. Pagkabasag po sa ulo, kinakain ko po.”
 
Mahirap unawain kung bakit niya ito ginagawa, sa kabila ng pagsusumamo ng kanyang ina. Pero sa tulong ng isang psychologist at sa pakikipag-usap sa kanya ni Mariz Umali, unti-unting ibubunyag ni Dorot ang kanyang malungkot at masalimuot na nakaraan.
 
Panoorin ang Out of Control ngayong Sabado, November 30, 4pm pagkatapos ng Startalk sa GMA.